6

16 3 0
                                    


#WAPinkValentines_Entry
Title: Ako ' yung tipo ng Babae
Author: cutie_potieeFangirl

cutie_potieeFangirl

《Spoken Poetry》

Ako 'yung tipo ng babae na sa unang tingin, hindi ka na ulit mapapalingon sa'kin. Ako yung tipo ng babae na kapag nagpakilala, hindi agad mabibigyan ng importansya. Kasi ako yung tipo ng babae na walang laban sa panlabas na kaanyuan dahil sa mundong ating ginagalawan, mukha ang pinagbabasehan.

Ako yung tipo ng babae na hindi marunong mag-ayos ng sarili. Ako yung tipo ng babae na hindi nagsasalita kahit nilalait na ng nakararami. Pero ako yung tipo ng babae na madaling masaktan. Hindi ko nga pinapakita kasi nga walang may pakialam.

Ako yung tipo ng babae na hindi mo gugustuhing makasama. Ako yung tipo ng babae na makita mo lang, mahuhusgahan na. Kasi sa ating lipunan, magandang mukha lang ang kinikilala-dahil sa ating lipunan, kapag maganda ka, ikaw ang nangunguna.

Ako yung tipo ng babae na handang magsakripisyo. Ako yung tipo ng babae na handang tumulong kahit pa ginag*go. Dahil ang gusto ko lang, tanggapin ng mundong ginagalawan ko. Na sa bawat panghuhusga, may taong bukal sa loob ang tatanggapin ako.

Ako yung tipo ng babae na kahit saktan mo ng paulit-ulit. Kahit pa laitin nang napakasakit. Ako pa rin yung tipo ng babae na matatag. Kahit pa sabihing gusto ko nang umiyak.

Umiyak.

Sa lahat ng aking natamasa. Isa lang naman ang gusto kong patunguhan. Yon ang tanggapin sa lipunan, at huwag husgahan dahil lang sa aking panlabas na kaanyuan.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

My Valentine's Color (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon