Aaron POV:
Sobrang saya ko dahil nakuha ko ang puso ng babaeng pinakamamahal ko, at naniniwala akong mahal nya rin ako sabi nga nila 'Action speak louder than words' at nakikita ko yun sa kanya,
nang una ko pa lang syang makita sa factory na love at first sight ako sa kanya, sobrang ganda nya kasi, pero nalaman Kong may boyfriend na sya kaya nanlumo ako kasi mukhang malabong magkaroon pa ako ng puwang sa puso nya
Lumipas ang ilang buwan at hindi ko na sya nakikita, sa totoo lang namimiss ko sya ng mga araw na yun, kahit na hindi ko pa sya ganon kakilala
Dumating naman ang araw na nakita ko sya sa maling paraan nabangga kasi sya sakin at medyo nagkasungitan kaming dalawa pero ng magkaharap kami, lahat ng irritation namin sa isat isa ay napalitan ng pagkaexcite,at ngiti
Hindi ko akalaing dun ko sya makikita malapit samin, at ang bonus neto ay nasa parehong village lang kami nakatira ang kaibahan lang, isang pangmahirap lang ang bahay namin at marangya naman Kay Irene,
Sa ganung sitwasyon ako nahihiya dahil baka hindi nya gustong makipagkaibigan sakin at malabong magustuhan nya ang isang tulad ko dahil deserve nya ang isang lalaking kayang ibigay sa kanya ang lahat ng bagay na hindi ko kayang gawin para sa kanya, tanging pagmamahal lang ang meron ako,
Na hindi kayang ibigay ni Alex na lagi syang sinasaktan, minsan nga nasabi ko sa sarili ko na kung ako lang ang mamahalin nya, ipapangako ko na mamahalin ko sya higit pa sa hindi kayang ibigay ni Alex sa kanya.
Dumating sa punto na niloko sya ng boyfriend nya, nasasaktan ako sa nangyayare at ayoko sya ng nakikitang umiiyak.
Naisip ko na baka may chance na ako para mapaibig sya kaya nabuhayan ako ng loob, hindi sa sinasamantala ko ang pagkakakataon ngunit sinusubukan Kong maging maayos ang lahat.
Akala ko tapos na ang lahat sa kanila, pero nagkamali ako dahil pinuntahan niya ako para lang sabihing nakipagbalikan sya Kay Alex,
Parang sinaksak ang dibdib ko sa mga sinabe nya, hindi ko ipinahalata sa kanya ang tunay Kong saloobin
Pero kahit ganun pinili ko pa ring suportahan sya dahil hangad ko ang kaligayahan nya,
Lumipas ang mga araw na lagi syang nakangiti, para sakin ayos na yun kesa sa nakikita ko syang umiiyak,
Dalawang linggo na nakalipas wala pa akong nababalitaan tungkol Kay Irene, hindi ko na sya madalas makausap siguro busy pa sya Kay Alex, ayoko rin namang agawin ang attention nya dahil sino nga naman ako, isang hamak na kaibigan lang
Nagulat na lang akong isang araw na bigla ko na lang syang nakita malapit sa bahay namin, "anung ginagawa nya dito
Nilapitan ko sya tapos...
"Irene!"
"Gush!" Nagulat ko yata sya "anong ginagawa mo dito, hinahanap mo ba ako?" Curious Kong tanong"ahh hindi naman napadaan lang ako ah may pasok ka ba ngayon sa work?" Pag iiba nya sa usapan
"Wala naman bukas pa bakit?"
"Ah-a gusto ko lang sanang maghanap ng kakwentuhan" yun lang ba ang dahilan nya? Natawa tuloy ako sa sinabe nya, tumaas bigla yung kilay nya "what's funny?" Ang cute nyang mainis,
"Nakakatuwa ka kasi yun lang pala andito na ako" tinuro ko ang sarili ko "alam mo may alam akong lugar na tahimik at walang tao" alok ko sa kanya
"Saan?" Sambit nya "Tara puntahan natin perfect place and time para makapagkwentuhan tayo,hm nga pala yung paa mo OK na ba?" Lumuhod ako para tignan ang paa nya, nag aalala kasi ako sa nangyare kay Irene.
"O-o- OK na magaling kasi yung nagturo sakin" utal nyang sagot nagtataka man ako pero hinayaan ko na lang dahil sa ipinakita nya ang matamis na ngiti
"Talaga ba?" Kinilig ako dun sa sinabe nya
"Tara na nga dalhin mo na ako sa sinasabi mong lugar"
Tumalikod na sya at naglakad palayo kaya sinundan ko na lang
Pagdating namin "wow ang ganda naman dito bakit ngayon ko lang natuklasan to?" Yan agad ang narinig ko mula sa kanya, pinagmamasdan ko ang mukha nya habang inililibot ang tingin sa paligid
"Ang ganda no? Simula nang matuklasan ko ang lugar na to dito na ako palaging napunta kapag may problema ako, o gusto Kong mag isip at mapag isa" kwento ko Kay Irene.
"Lagi na rin akong pupunta dito" nagsalubong ang mga kilay ko bakit may problema ba sya?
"bakit ayaw mo ba?" Biglang tanong nya sakin defensive ata sya "hindi sa ganon nagtataka lang ako may problema ka ba?"
"Ahh upo muna tayo dun" turo nya sa bench na malapit sa playground. Pag upo namin sa bench napabuntong hininga sya saka sya humarap sa sakin, sa totoo lang kinukutuban ako ng hindi maganda.
"Pwede mo bang sabihin kung ano yung problema mo?" Mahinahon ko lang na tanong
"Kasi niloko nanaman ako ni Alex" naikuyom ko ang kamao ko sa galit, sabi na nga ba at tama ang hinala ko
"Hayop talaga sya teka sya ba yan?" Galit na turo ko sa phone nya kasi umilaw at nakita ko na naka wallpaper, itinago nya agad ang phone nya, mukha pa lang halatang manloloko na
"Ahh oo sya nga""Irene hindi sya deserving boyfriend para sayo" totoo naman dahil gago sya para saktan si Irene
"Salamat buti na lang nandyan ka" wala akong magawa sa ngayon kundi ang yakapin sya, para kahit sa ganitong paraan mapagaan ko ang loob nya, Maya maya sinubukan nyang kumawala sa pagkakayakap ko pero hindi ko sya pinayagang gawin yun, hinila ko sya at ikinulong sya sa mga bisig ko
"hayaan mo akong yakapin ka para naman kahit papaano mapagaan ko ang loob mo"
Naramdaman Kong kumalma sya at hinayaan ang sarili nyang nakasandal sakin,
Huwag ko lang makikita talaga ang hayop na Alex na yun, dahil ako mismo ang makakaharap nya, at sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaang bumalik pa sa kanya si Irene at hindi ko na sya papakawalan pa,
Nang araw na yun din nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Irene hanggang sa naging komportable na kami sa isat isa,
Lumipas pa ang buwan na mas lalo akong nahuhulog sa kanya at unti unti na ako nagkakaroon ng lakas ng loob para umamin sa kanya,
Hanggang sa dumating ang puntong nagconfess na ako ng feelings para sa kanya at the right place, right time at hindi naman ako nabigo dahil naging bahagi nga ako ng puso nya,
Kaya that time ipinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko sya sa paraang alam ko kahit hindi ko man maibigay ang luhong kayang ibigay noon ni alex sa kanya ang mahalaga mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para sumaya sya at kailanman ay hinding hindi ko sya sasaktan.
(Sorry for late update ginagawa ko rin kasi ang chapter ng *the butterfly bracelet* read niyo din ha enjoy this chapter of Aaron,
Naaawa ako Kay Aaron sa chapter na ito kayo rin ba?
I will write the next chapter as soon as possible!!!)(Re-update)
BINABASA MO ANG
Soon you'll be MINE (Completed)
FanficHighest Rank #1 in KOOKU (2018) Highest Rank #1 in Muster (2019) Bakit kailangang marealize muna ng isang tao ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na? just like Irene na nagawang gamitin at lokohin ang isang lalaking tunay na nagmahal sa kan...