Chapter 40

981 23 8
                                    

Author's note: baka magsawa kayo kakabasa ng 'sorry' sa chapter na ito pasensya na!!😅✌




"What are you doing here??!"

Hindi ko alam pero napahinto ako sa nagsalita matagal bago ako mag decide, hindi ko nilingon dahil baka hindi naman ako ang kausap, naglakad ulit ako ng...

"Irene!"

Teka! Pa-parang may narinig akong tumawag ng pangalan ko, hindi ako sigurado, dahil baka nagiilusyon lang ako

"Irene....my Queen" ta-tama ba yung na-narinig ko? Iisa lang ang alam kong tao na tumatawag sakin ng 'My Queen'

Nangingilid na ang Luha ko at dahan dahan akong lumingon dun sa tumawag sakin, ng makita ko sya

"A-a-aaron?" Nag sunod sunod na ang buhos ng luha ko, halo halo na ang emotion ko and I felt like a statue na nahihirapang gumalaw sa kinatatayuan ko unti unti syang lumalapit sakin, ayoko ng sayangin ang oras at Segundo

"Ba-bakit nandito ka pa?" Nauutal kong tanong "ahm alex was call me that's why-" pinilit kong gumalaw at patakbong pumunta sa kanya, at niyakap sya ng sobrang higpit kasabay ng pag hagulgol

"Ba-bakit ka umiiyak?" Takang  tanong habang pilit na sinisilip ang mukha ko, pero mas lalong ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, kahit hindi ko sya nakikita alam kong takang taka sya sa ginagawa ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap at hinarap sya,

"A-aaron;" tawag ko at nananatili pa rin syang tulala "akala ko iniwan mo na ako" tuloy parin ako sa paghagulgol

"s-so-sorry sa lahat, sorry kung hindi kita hinayaang magpaliwanag, sorry kung naging sarado ang isip at puso ko sayo"

"OK lang hindi mo na kailangan gawin to, saka masaya ako na magiging OK na tayo, hangad ko ang kaligayahan mo kung sino man ang susunod mong mamahalin" sandali hindi ba nya nagets ang gusto kong iparating?

"A-anung sinasabe mo?" Taka ko syang tinignan Pero umiwas sya ng tingin

"Diba....kakasabe mo lang kanina na hindi mo na ako mahal kaya pinapalaya na kita-"

"Mali....Mali ka ng akala, nasabe ko lang yun dahil akala ko wala ng pag asa na magbalikan tayo, dahil pinaniwala ko ang sarili ko na wala na akong karapatang sabihin na mahal kita sa pag aakalang may asawat anak ka na"

naluha ako sa sinabe kong yun, dahil kitang kita ko sa mga mata ni Aaron na talagang nasaktan ko at dinamdam ng husto ang mga sinabe ko"

"Pero-"

"sorry dahil......sinabe kong....hindi na kita mahal, sorry dahil pinahirapan kita, sorry dahil hindi ako naging loyal sayo, sorry kung-"

"Shhhhh" pigil nya sakin gamit ang hintuturo nyang itinapat sa labi ko "I know" pinahid nya ang Luha ko

"You don't have to explain or have to say sorry because its not your fault" pagpapatuloy nya at hinawakan nya ang kamay ko "sadyang binigyan lang tayo ng matinding challenge sa buhay but look!" Nakangiti sya ng malapad

"Nalagpasan na natin yun, magiging OK na ang lahat, dahil finally dininig na ng dyos ang dasal kong maliwanagan ka sa katotohan, and thanks sa mga taong tumulong sakin para bumalik ka ulit sa piling ko" sabay yakap sakin ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko

"Sorry Aaron!" Lalo pa akong naiyak "sorry din dahil naging mahina ako, at sorry dahil nasaktan kita, Alam kong nangako ako na hindi kita sasaktan pero nagawa ko pa rin kaya sorry"

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon