Alex POV:
After what happen siguro naman Makikipag hiwalay na si Irene sakin, sa totoo lang hindi na ako masyadong nasisiyahan sa kanya pano ba naman napaka conservative niya at ayaw pa sakin ng ate niya tsk tsk.. Kaya nagawa Kong mambabae .
Sa totoo lang naaawa pa din ako sa kanya pero hanggang dun lang yun. Kanina lang nakatatlong tawag na sya pero hindi ko sinasagot, see? Hindi nya ako kayang tiisin hahayaan ko syang kusang lumapit sakin tutal naman patay na patay sya sakin.
I'm a rich man at habulin ng mga babae at kahit ano ang gusto ko makukuha ko. kaya hindi gaanong pinoproblema ang lahat ng hindi kailangang problimahin.
Hangga't kaya ko syang gamitin gagawin ko pa rin dahil alam Kong hindi nya ako susukuan.
.
.
.Irene POV:
Ano kaya kung puntahan ko si Alex baka sakali na kapag nakita nya ako bumalik na sya sakin?. Yan ang palaging pumapasok sa isip ko sa tuwing nalulungkot ako magdadalawang linggo na mula ng mag away kami ni Alex.
Dahil sa gusto ko syang makita pinuntahan ko sya sa condominium nya at sinubukang buksan ang code ng door nya pero invalid code ang lumalabas pusibling binago nya yun at ayaw na nya akong papasukin.
"Alex? Andyan ka ba si Irene to mag usap naman tayo" patuloy pa rin ako sa pagkatok pero walang sumasagot minabuti ko na lang na umalis nang "click" nagbukas ang pinto ni Alex kaya naexcite akong lingunin sya bumungad sa pinto si Alex at nilapitan ko.
"Alex pwede ba tayong mag usap" Tanong ko "para San pa diba ang sabe mo ayaw mo nang makita ang pagmumuka ko?" Walang gana nyang sagot
"Nasabi ko lang naman yun dahil nagdilim ang paningin ko" at sinubukang hawakan ang mukha niya pero umiwas siya
"Mahal mo pa rin ba ako kahit na niloko kita?""Oo mahal kita kaya sana naman huwag mo nang ulitin yun" pakiusap ko at sa pangalawang pagkakataon sinubukang ko ulit syang hawakan at hindi naman sya umiwas.
"Promise hindi na" hinila niya ako at niyakap at ganon din ang ginawa ko, sumaya na ulit ako kasi bumalik na sakin si Alex.
"Babawi ako sayo Irene" sabi nya at hinalikan niya ako sa noo "salamat" nung araw na yun naging masaya na ulit ako. Martir na kung martir bastat ang alam ko hindi ko sya kayang mawala sabuhay ko.
Nang mga sumunod na araw tinupad nga niya ang pangako na babawi sya sakin madalas niya akong idate at regaluhan ng flowers at jewelry kahit na nagalit ulit sakin si ate dahil nagpakatanga nanaman daw ako.
Pero ang sabi ko nagbago na si Alex kahit ang best friend Kong si cheska hindi sang ayon sa pakikipagbalikan ko Kay Alex, para sakin hindi na yun mahalaga ang importante mahal namin ang isat isa.
Minsan pinuntahan ko sa park si Aaron para ibalita na nakipagbalikan na si Alex sakin, hindi man nya sabihin pero alam Kong hindi sya sang ayon sa naging desisyon ko Pero kahit papano sinuportahan na lang nya ako basta raw kung saan ako sasaya.
Buti pa si Aaron suportado sakin hindi tulad nila ate at cheska na tutol sa mga decision ko. Mag dadalawang buwan na kaming masayang nagsasama ni Alex at sa naoobserbahan ko sa kanya mukang nagbago na talaga sya at totoong nagbago sya for me.
Kinabukasan maaga akong nagising at naghanda para pumunta sa restaurant, nauna na ako Kay ate para naman maapreciate niya ako. Pagdating ko sa restaurant dumiretso muna ako sa office para tapusin and dapat tapusin.
"Ma,am Irene andito po sa labas si ma,am cheska" bungad nung staff sakin "sige papasukin mo" utos ko
"Bhest kain tayo sa labas mamaya" aya niya sakin "bhest sorry may date kami mamaya ni Alex eh" nadissapoint bigla yung mukha niya "palagi na lang si Alex sakin wala ka nang time" nagpout pa sya"Sige ganito bhest bukas kain tayo sa labas OK ba yun" convince ko
"Ano pa nga ba dito na lang muna ako tutal wala pa naman akong gagawin ngayong araw" sambit niya "sige OK lang naman may gusto ka bang kainin libre ko na sabihin mo lang"
"The bhest ka talaga sabi mo ha ahh pahiram ng menu ng makapili na ako" at lumabas ng office oh diba ang bilis nyang sumaya nakakatuwa talagà sya kapag libre mabilis pa sa alas kwatro.Maya Maya lang dumating na rin si ate at derederetso lang sya ni hindi nya ako nilingon man lang "ate galit ka pa rin ba?" Pagsusuyo ko
"Obvious ba" hindi pa rin sya natingin sakin lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya."Ate sorry na forgive mo na ako nagbago naman na si Alex eh" kumalas sya bigla sa pagkakayaap ko at hinarap ako
"Alam mo Irene hindi ko alam sayo kung bakit nakipagbalikan ka pa dyan Kay Alex harap harapan ka na
nyang niloko tapos binalikan mo pa rin" galit pa nga talaga siya "Pero ate mahal ko si Alex""Mahal? Eh sya ba mahal ka ba nya o baka naman kinukuha lang nya ang loob mo tapos kapag nangyare yun Malaya na ulit syang makapangloko sayo" tinalikuran niya ako
"ate sige na naman oh suportahan mo na lang ako please" yun lang ang masasabi ko sa ngayon "bahala ka tutal malaki ka na kaya mo nang magdesisyon mag isa" kahit papaano eh bumaba na ang Tono nya.
"Sorry na ate" naglalambing ako sa kanya at niyakap ulit sya "ang gusto ko lang naman ang sumaya ka at ayokong umiiyak ka" niyakap din ako pabalik ni ate
"Nagugutom na ako Tara kain na tayo" natawa ako bigla sa sinabe nya "Tatawa tawa ka dyan"
"Mukang gutom lang pala kung bakit high blood ka" hinampas ako ni ate pero mahina lang "siraulo ka talaga Tara na sabayan natin yung bestfriend mong abala sa menu" haha totoo naman yun kaya lumabas na kami sa office at umupo sa table kung saan nakapwesto si cheska.
Finally OK na kami ulit ni ate at mas lalo pa akong sumaya dahil maayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Soon you'll be MINE (Completed)
FanficHighest Rank #1 in KOOKU (2018) Highest Rank #1 in Muster (2019) Bakit kailangang marealize muna ng isang tao ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na? just like Irene na nagawang gamitin at lokohin ang isang lalaking tunay na nagmahal sa kan...