Chapter 32

825 22 4
                                    

Accident way to Forgive!

'Waiter please'

'Pa-follow up naman ng dessert'

'Isa pa ngang order ng blueberry cheesecake'

Ilan lang yan sa karamihan ng costumers na dumadayo samin halos sold out na ang ibang menu at malapit lapit na rin ang dessert, ito ang naabutan ko after my training

As usual, cheska still haggard..

"10 orders of special adobo" sambit ni cheska kaya agad namang niluto ng mga chefs, syempre tumulong din ako to make sure na babalik balikan ng costumers,

May isang recipe pa akong alam pero minamaster ko pa para kapag dinala ko yun dito, pasok sa panlasa ng kakain,

"Here's the ten orders of special adobo" sigaw ko at agad namang kinuha ng mga staff namin.
.
.

8:00 pm..

"Beshie hagardo na me oh" habang sinisipat ang leeg at mukha, napangiti na lang ako "sorry bhest babawi na lang ako sayo kain tayo?"

At hindi ako nagkamali dahil mabilis pa sa alas kwatro syang kumuha ng menu, alam na!

Sumunod na ako tutal konti na lang ang costumers kaya makakapagpahinga kami kahit sandali, staffs na ang naghatid ng food namin sa table, while we eating..

"Irene" tawag ng kung sino mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito "Alex? What the....anung ginagawa mo dito?" Inis kong tanong until now nagagalit pa rin ako sa kanya

"Don't worry Irene I'm not here para manggulo gusto ko lang sanang kamustahin ka" sambit nya habang papalapit samin agad akong tumayo at lumayo sa kanya "wag kang lalapit sakin, saka anu bang masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

"Sana naman patawarin mo na ako, I swear pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko"

"Do you think na maibabalik mo pa ang lahat sa dati?" Nanggigilid na ang luha ko pero hindi ko pa rin ipinahalata

"I'm so sorry Irene, kung may maitutulong sana ako para-"

"Gusto mong makatulong? Pwes lumayas ka sa harapan ko" naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni cheska to prevent me

"OK I understand, pero sana dumating ang araw na mapatawad mo ako" sabay talikod at lumabas ng resto saka lang ako nakahinga ng malalim at aakmang uupo ng..

"Ma,am Irene may nasagasaan po sa labas" panic nung isang staff hindi ako sigurado kung sino yun pero nilabas ko pa rin

Bigla na lang nanlambot ang tuhod ko, alam kong malaki ang kasalanan nya pero ni minsan hindi ko hinangad na mapahamak sya pinilit kong makalapit para tulungan sya,

"Alex, wake up please" panic ko hanggang mahawakan ko ang ulo nya at basa yun nang tignan ko 'DUGO' "Alex did you hear me, please" pero hindi sya nagreresponse

"Tumawag kayo ng ambulance ngayon na!" Agad naman silang kumilos,

Within 30 minutes nakarating na rin ang ambulance at isinakay na si Alex kaya sumama na rin ako..

Saint Benedict Hospital:

Ang tagal lumabas ng doctor, almost 2 hours na akong nahihintay dito sa labas ng waiting area, gulong gulo ang isip at parang sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyare,

Kung hindi ko lang sana sya pinagtabuyan baka hindi sya napahamak, masyado kasi akong nagpadala sa emotion ko..

4 hours ago...

Lumabas na rin sa wakas ang doctor "family of the patient" hanap nya kaya agad akong tumayo "kaibigan nya po ako ano po bang lagay nya? Kamusta sya OK na ba sya?" sunod sunod kong tanong  hindi kasi talaga ako napapakali hanggat hindi ko nalalaman ang kalagayan nya

"As of now he's still unconscious....ah the patient needs to wake up within 12 hours, if not he can permanently comatose, dahil sa tinamo nyang injury sa ulo, sa nakita kong scan at observation sa kanya, malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo nya kaya isinailalim agad sya sa operation para matanggal ang namuong dugo sa ulo nya, sa ngayon pwede mo na syang puntahan but hindi sya pwedeng mastress for good sake" she tap my shoulders and leave

Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag pero andun pa rin ang takot sa dibdib ko dahil kailangan nyang magising dahil kung hindi, baka tuluyan na syang makomatos at ayokong mangyare yun!

Tahimik lang akong pumasok sa loob ng ER naabutan ko ang walang malay na si alex grabe pala talaga ang tinamo nyang injury halos maiyak talaga ako sa nangyare sa kanya

Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan sya, "a-alex so-sorry ha kung pinagtabuyan kita" nangliligid na ang luha ko "sana pala hindi ako nagpadala sa emotion ko" tuluyan ng bumagsak ang luha ko napahawak na lang ako sa kamay nya,

"Aaminin kong masama pa rin ang loob ko, pero" lumapit pa ako ng konti "sa nangyare, ngayon ko lang narealize na masyado na palang naging sarado ang pag iisip ko, sa mga paliwanag at pagsisisi mo"

Umaasa ako na marinig nya lahat ng sasabihin ko..

"Pinapatawad na kita Alex, kaya please gumising ka na" isang oras na akong nakabantay sa kanya pero ni konting response wala akong makita

Kaya minabuti kong matulog muna tutal malalim na ang Gabe at kailangan ko ring magpahinga tinext ko si cheska na sya muna ang Bahala sa resto dahil hindi pa ako makakauwi

Sa tabi lang din ni Alex ako yumuko para makapagpahinga kahit konti lang

3 hours ago....

May naramdaman akong humihimas sa ulo ko nung una hindi ko pinansin dahil sa pagkakaalam ko I was dreaming kaya hinayaan ko lang..

Pero..

May humihimas talaga sa ulo ko at hindi yun panaginip lang, kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko at ....

Gising na sya...

Pinindot ko yung button na nasa uluhan ni Alex at tinawag ang kung sino man ang nandon para papuntahin ang doctor dahil finally nagkamalay na si Alex

"Alex nakikilala mo ba ako, kamusta ka may masakit ba sayo" bigla syang ngumiti

Hindi rin sya makapagsalita dahil sa nakasalpak sa bibig nya,

"I know ang OA ko pero masaya ako na gumising ka na, pinag alala mo ako" yung ngiti nya ngayon may kasama ng pagpatak ng luha sa kaliwang mata nya

"Umiiyak ka ba dahil may masakit sayo?" Dahan dahan syang umiling until pumasok na ang doctor at pinalabas ako para tignan sya

Hindi pa man nagtatagal at lumabas na ulit ang doctor "the patient was out of comatose, ang bilis ng response nya, Maya Maya lang ililipat na namin sya sa private room at doon mo na lang sya puntahan" umalis na sya at ganon na lang ang saya na naramdaman ko dahil OK na sya

Dun ko lang narealize na talagang nawala na ang galit ko sa kanya, kung hindi pa sya naaccident hindi ko pa sya mapapatawad at marerealize na Mali ako

Biglang tumawag sakin si cheska kaya sinagot ko "hello bhest" bungad ko "anu kamusta si Alex buhay pa ba?" Nailayo ko ang phone sa tenga ko ano bang klaseng tanong yun?

"Bhest naman napahamak na nga yung tao, OK na sya inililipat na lang sya ng private room" pagtatama ko sa sinabe nya

"Sorry naman sige na medyo busy na ulit dito sa resto mo kaya babush ingat ka dyan balitaan mo nalang ulit ako"

"Sige bhest" end of call huminga muna ako ng malalim at umupo habang hinihintay ang paglipat kay Alex..










(Someone added to her reading lists

Thank you! & enjoy reads!)

Follow me: @mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon