Chapter 22

785 24 3
                                        

Irene's POV:

"Bhest hindi nga, totoo?" Gulat ni cheska na kararating lang sa office ko, sinuway ko agad sya baka kasi may makarinig

"Hinaan mo lang ang boses mo, baka may makarinig at malaman pa ng iba" naitakip ni nya ang kamay sa bibig para pigilan ang pagsigaw nya!

"Kelan pa nauntog ang ulo mo at si Aaron na ang mahal mo?" Tignan mo toh instead na matuwa dahil natupad na ang gusto nya tapos nang aasar pa!

"Kala ko ba gusto mong hiwalayan ko na si Alex" pagtataray ko "oo nga pero-"

"Pero ano?" Dugtong ko sa sinabe nya "pero sure ka ba na wala ka nang feelings to Alex? As in 100%?" Mukha ba akong nagsisinungaling?

"Matagal ko na syang hindi mahal, nabulag lang ako sa paghihiganti ko" paliwanag ko

"Akala ko magiging masaya na ako kapag bumalik sakin si Alex, nang mangyare naman sa una lang ako naging masya, pero habang tumatagal unti unting nawawala ang feelings ko sa kanya, yung parang hindi na tulad ng dati"

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni cheska "oh tapos?" Habang naka cross arm

"Then narealize ko na matagal ko na pala syang hindi mahal, tanging desire lang ang nangyare sakin, kaya nag decide na akong makipag break"

Sambit ko na walang halong lungkot o panghihinayang,

"Buti naman at natauhan ka na, tama yang ginawa mo at least you can be happy right after what you've done" sambit nya, kahit minsan maharot, kikay, at pasaway tong si cheska when it comes to serious thing, nagiging mature sya at mas marami syang naitutulong lalo na sa mga sitwasyong tulad ng sakin

Buti na lang talaga at naging best friend ko sya if not how's me without her

"Salamat, because of you nakita ko ang lalaking nagmamahal sakin ng totoo" sambit ko at hinawakan ang kamay nya

"No problem, best friend tayo eh" ngumiti sya ng pagkalapad lapad "bhest?" Tawag nya "why?"

"Pakain naman oh nagugutom na ako eh!" Ayoooon see? Sabi ko sa inyo eh bumalik nanaman sya sa pagiging pasaway, nagpout at puppy eyes pa sya,

Alam na alam nya talaga na hindi ko sya matitiis sa kahit anong bagay "OK na sana eh moment na, kaso sinira mo pa, tara na nga kain tayo" biglang nag aliwalas ang mukha nya at dali daling hinila ako palabas ng office
"Yehey thanks beshie"

Ang takaw talaga!

Pagkatapos naming kumain, nagpunta na ako sa bahay ni Aaron maaga syang umuwi dahil may sakit ang mama nya kaya pinag leave ko muna sya tutal naman may kapalit sya

Pagdating ko sa bahay nila narinig kong parang may kausap na babae si Aaron, may bisita ba sila? Curious ko kaya pumasok na lang ako para malaman .

"Hi Aaron- ah nandito ka pala Jean" gulat ko, sya kasi ang kausap ni Aaron at nang makita nya ako parang ang talim ng tingin nya sakin,

Don't tell me bitter pa rin sya!!!

"Upo ka" alok sakin ni Aaron sabay beso at yakap sakin" and usually yung expression ni jean nanaman, no comment na lang "kamusta si tita OK na ba sya?" Tanong ko "nakainom na sya ng gamot, nagpapahinga lang para bumuti ang kalagayan nya" sagot ni Aaron na nakangiti

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Mahinahon kong tanong Kay jean "I was visiting her mom how about you, wala ka bang ibang pupuntahan?" Sarcastic nyang tanong,

Nung problema nito? Parang nagpaparinig! "What do you mean by that?" Mahinahon ko pa ring sabi

"Oh nothing! By the way Aaron ah pupunta kami sa resort gusto mong sumama?" Alok nya at talagang si Aaron lang ang inalok nya

"Hindi na salamat kailangan ako ni mama eh" pahiya ampeg si jean..

"Alam mo my king miss na agad kita wala ka kasi sa resto" I try to get his attention nang "how much do you love Aaron?" Biglang singit ni jean

Kanina ka pa ha, one more time pa at papatulan na kita

"More than 100%" taas noo kong sagot then she smirk

"Really? talaga bang sya lang ang mahal mo o may iba pa-"

"Tama na jean tigilan mo si Irene" awat ni aaron, inaano ko ba tong babaeng to!

"Sorry I'm just asking, anyway pwede ko bang makausap si Irene sa labas may mga itatanong lang ako, don't worry Aaron we'll be fine just girl talk right Irene?"

Hindi ko manotice kung ano ang nasa isip nya at kung bakit gusto nya akong makausap, we're not really close, I can escape this if I want but ayoko namang may masabe sakin si Aaron

Tumingin sakin si Aaron bago ako tumango, meaning everything's alright

Lumabas kami para mag usap
"So anong pag uusapan natin?" Tanong ko biglang nag iba ang timpla ng mukha nya

"Wala ka bang ibang lalaki except for Aaron?" Anong bang gusto nyang manyare?

Tinignan ko sya ng masaya "can you straight me to the point" naiirita na ako sa kanya "you forcing me? OK bakit kayo naghahalikan ni Alex, May love affair ba kayo?" Sarcastic nyang sabe then crossing her arms while look at me like I'm a killer

Natulala ako sa sinabe nya, pano nya nalamang naghalikan kami ni Alex? Teka nakita ba nya kami ni Alex sa park?

"What's your prove at pano mo nakilala si alex?" Pagmamaang maangan ko, she smirk like a witch

"Sa park lang naman bitch, Alex is my business partner!" Napikon ako sa kanya at lumapit ako "don't call me bitch Kung hindi mo naman alam ang totoong pangyayare!" I hope natakot sya sa sinasabe ko pero..

"Do you think maniniwala ako sa sinasabe mo?, ganito na lang" inikutan nya ako na para bang eniiscan saka humarap ulit sakin

"I'll give you 3 days para magsabe ng totoo Kay Aaron or else, ako mismo ang magsasabi" banta nya

"Teka nga bakit ba nangingialam ka sa buhay namin-"

"Dahil bestfriend ko si Aaron"

"No does not!, you thought na hindi ko alam na may gusto ka Kay Aaron? At hindi na ako magtataka kung bakit desperada kang masira kami ni Aaron" she smirk again

"Correction, ikaw ang cheating sating dalawa so don't blame me kung masisira ang relationship mo with him!, I warning you!"

Dinuro pa nya ako bago bumalik sa loob, alam ko sa sarili ko na hindi ako nagcheat Kay Aaron besides, hindi nya alam na nakipag break na ako Kay Alex yun ang totoong nangyare

Kung balak man nyang sirain ang relationship namin ni Aaron, ako ang makakalaban nya I won't let her, NEVER!

Pero aaminin ko, natatakot din ako na baka kapag nalaman ni Aaron ang katotohanan baka magalit sya sakin at iwan ako,

Kapag nangyare yun, hindi ko kakayanin, ayokong mawala pa sa buhay ko si Aaron mahal na mahal ko sya,

Kasabay nun ang pagtulo ng luha sa pisngi ko pero pinahid ko rin agad at bumalik na sa loob.












(So si jean pala ang magiging way to broke their relationship?

Enjoy reads!).

Follow me: @mb_muster

Soon you'll be MINE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon