Day 9

34 4 0
                                    

Dahil wala naman akong gagawin ay naisipan kong bumili na lang ng damit na pwede kong gamitin para dun sa dinner, kung saan ako niyaya ni Tenys. Nakakahiya naman kasi kung hindi mukang kaaya-aya yung damit na isusuot ko dun di ba?

Sa totoo lang, nahirapan akong pumili ng dress. May dalawa akong pinagpipilian na dress ngayon. Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa tabi ko.

"I prefer the one on the right. Bagay yan sayo"

Napatingin ako sakanya. Hindi ko sya agad na nakilala. Ah. Naalala ko na. Si Ara. Ex nga pala sya ni Tenys.

Wala namang masama sakanya ngayon. Hindi naman sa may masama sakanya nung unang pagkikita namin ah. Muka naman talaga syang mabait kahit nung una pa lang. Sadyang tinignan nya lang ako last time from head to toe.

"Our last meeting wasn't really the best, you know. Would you want to have some coffee with me?" at ngumiti ulit sya ng mukang sincere.

Hindi ko alam pero pumayag nga ko sa gusto nya at nag-Starbucks kami. She wanted to pay. Ganito ba talaga sya kabait?

"So, you're Tenys' new girlfriend?"

"Hindi naman kami" depensa ko pa. Hindi naman talaga kami eh.

"Good" nagulat ako sa naging sagot nya. Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa sagot nyang yun. May karapatan nga ba kong mainis dun?

"Though, he looked like he was into you" dagdag nya pa.

Nagulat na lang ako nung biglang nag-iba yung expression nya. Hindi ko sigurado kung nag-iba nga ba talaga o feel ko lang yun.

"Do you like him?" agad nyang tanong. Alam ko naman ang isasagot ko sakanya eh. Hindi ko lang masabi.

"Seems like you don't" sabi pa nya.

"I want him back"

Hindi ko alam kung bakit naapektuhan agad ako nung sinabi nya yon. Na-threaten siguro ako dahil alam kong mas may pag-asa pa sila ni Tenys kesa samin.

"May sakit ako, natakot ako na baka mamatay ako bigla at maiwan ko sya sa ere kaya ako nakipag-hiwalay sakanya. I want him back"

Kung parehas lang naman pala kami ng sitwasyon ay hindi ako magpaparaya. But come to think of it, baka wala nga talaga akong pag-asa kay Tenys.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon