Day 20

18 4 0
                                    

Orean's POV

"Sabi ng doctor ay hindi ka naman magtatagal dito" paliwanag pa sakin ni mama.

"Ma, gusto ko nang umuwi" pamimilit ko pa.

"I'll try to convince him kung pwedeng sa bahay ka na magpahinga"

Napapagod na ko. Nandito nanaman ako sa ospital. Sa totoo lang ay nasasawa na rin akong pabalik- balik ako dito.

---
Tenys' POV

Nung narinig kong may pumasok sa pintuan ay umikot ako paharap sa kabilang direksyon. Base pa lang sa footsteps na narinig ko ay alam ko na kung sino ang dumalaw sakin.

"Tenys! I brought you some fruits"

"Di ba sinabi kong wag ka nang babalik dito"

"Makakalabas na rin naman ako agad" dagdag ko pa.

Naging tahimik lang sya habang nakatalikod ako sakanya. Binuksan nya yung tv at umupo lang sya dun sa sofa.

Humarap ako sakanya dahil gusto kong magpahinga at naiirita lang ako sa presence nya.

"Ara, pwede bang umalis ka na?"

"Pero-" nag-isip pa sya ng sandali pero kinuha na nya agad yung bag nya.

"Get well soon" ngumiti pa sya ng pilit bago lumabas sa room.

Nagpahinga lang ako at tumitig sa kawalan. Pinagmasdan ko lang yung ilaw na galing sa mga bintana na nahaharangan naman ng blinds.

Maya-maya ay narinig kong pumasok sila mama sa room.

"Tenys, nakausap na namin yung doctor mo at pwede ka na daw umuwi" sabi pa ni papa.

"Tenys, are you really ok?" tanong pa ni mama na mukang alalang-alala sakin.

"Yes, ma"

"Aalis kami ng mama mo. Meron kaming business trip. Ipapasundo ka na lang namin sa driver maya-maya"

Tumambay lang sila ng sandali at umalis na nga sila agad. Nung dumating na yung driver ay dumeretso lang kami sa bahay.

I went straight into my room. Humiga ako sa kama ko at pumikit. Hindi ko alam pero hindi ko maalis sa utak ko yung mga nakita ko. Bakit ba sila naghahalikan? Hindi ko maisip yung rason.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon