Epilogue

10 0 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan to. I was about to end my life when you suddenly showed up, how ironic, really. Nung oras na yun, ginising mo ko sa katotohanan. Sirang-sira ako nun pero binuo mo ko, somehow. Akalain mo yun? Unti-unti akong nahulog sayo, risk yun. Risk naman talaga ang magmahal eh, and yet pinabayaan ko yung sarili ko na mahulog sayo. Yeah, you were special and I knew it. I knew it from the day we first met.

Pero alam mo, ang sakit pa rin. Ang sakit isipin na mahal naman natin ang isa't isa pero posibleng iwan mo ko anytime. Sa araw-araw na ikaw lang yung laman ng isip ko, nandun yung anxiety na baka iwan mo ko anytime. Bukas, sa makalawa, o ngayon na mismo. Araw-araw yun yung tumatakbo sa isip ko. Pero ok lang, mahal kita eh."

Unti-unting tumulo yung mga luha mula sa mga mata kong kanina pa nagbabadya habang nakatitig ako sa lapidang nasa harapan ko.

"Orean Tee. Time of death, 11:11----"

End.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon