Day 29

12 0 0
                                    

Ilang araw na nga ba nakalipas nung una ko syang nakilala? Magi-isang buwan na rin ata. Thankful ako, oo. Binago nya ko. Binago nya yung buhay ko. Kahit papano, naranasan ko ring ma-inlove. Nakakatuwa lang na kahit sa sandaling panahon na yon, naranasan ko lahat ng hindi ko pa nararanasan.

"Orean!" tawag nya pa sakin bago ibalik ang atensyon sa inaayos nyang mga gamit sa sasakyan.

Agad akong lumapit sa kanya habang nakatalikod sya. Niyakap ko sya at sinulit ko yun. Sinulit ko yun dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko na lang to magagawa. Hindi ko alam, ramdam ko lang talaga na hindi ko na to magagawa nang matagal. Hindi na namin magagawa tong mga to.

Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero hinigpitan ko yung yakap sa kanya.

"2 more minutes, Tenys. 2 more minutes" sabi ko pa sa kanya habang yakap-yakap ko sya.

---
Hindi ko alam pero parang ayoko nang matapos tong araw na to. Pamilyar na sakin tong daan na to, malapit na kami sa bahay. Kung pwede ko lang pabagalin ang oras ay ginawa ko na.

"We're here" sabi nya pa.

I smiled bitterly at him before I opened the door. Nagulat ako nung hinawakan nya yung braso ko.

"Orean, wait"

Tumingin ako sa kanya. Hinintay ko yung sasabihin nya.

"I love you"

"I love you too, bye"

Sabi ko pa bago ko kunin yung mga gamit ko sa likod ng sasakyan nya. Muli akong tumingin sa kanya nung nakarating ako sa bahay namin.

"Bye" I saw his smile, he was happy.

Narinig kong humarurot yung sasakyan nya bago pa ko nakapasok ng bahay.

It was a tiring trip. Pero ang saya.

Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig. Sh*t! Muntik ko ng mabitawan yung pitsel. Kinuha ko na lang agad yung baso para makaakyat na ko sa kwarto ko. Bigla akong nahilo. Next thing I knew, puting ilaw na lang ang nasa harapan ko ngayon.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon