Day 21

9 4 0
                                    

Orean's POV

Nagising ako na wala si mama sa buong kwarto. Sinubukan ko pang hanapin sya sa cr pero wala talaga sya. Baka bumili sya ng pagkain.

Napatingin ako sa mga nakatusok sa braso ko. Nakakainis lang. The more na iniisip ko na baka dapat dito na lang ako sa ospital ay mas naiinis lang ako.

Agad kong tinanggal yung mga nasa braso ko at nag-bihis agad. Alam ko medyo mahina pa ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Pero kailangan kong kausapin si Tenys. Kailangan kong mag-explain sa kanya.

Medyo nahirapan ako sa pag labas sa ospital pero nagawa ko rin namang lumabas. Agad akong pumara ng taxi at nagpa-drive ako papunta kila Tenys.

Buti na lang ay naalala kong may dala akong pera sa bulsa ko kaya may naibayad ako sa taxi. Muntik pa kong hindi makapag-bayad.

Ang tagal kong nakatayo sa harap ng gate nila. Nanginginig yung mga tuhod ko. Paano kung hindi sya makinig sakin? Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

Wala kang ginawang mali, Orean. Sabihin mo lang sa kanya yung totoong nangyari.

Nung nakapag-ipon na ko ng lakas ng loob ay unti-unti na kong humakbang papalapit sa doorbell.

---
Tenys' POV

Sa sobrang init ay naisipan kong isara yung bintana para buksan ko yung aircon pero nung napatingin ako sa baba ay may nakita ako.

Si Orean nga ba yun? Anong ginagawa nya dito? Tinitigan ko sya at nakatayo lang sa harap ng gate. Muka namang wala syang balak na mag doorbell kaya naisipan kong bumaba na lang at harapin sya.

Next thing I knew, she was already standing right before my eyes. Ang ganda nya. Yung mga mata nya, nakatingin lang ng deretso sakin.

Hindi pa sya nakakapagsalita ay bigla syang napahawak sa mga braso ko at parang biglang nanghina. Buti na lang at naalalayan ko sya.

I cupped her chin to see her face pero nakapikit na sya. Nag-panic ako kaya tinawag ko agad yung driver at ipinahanda yung kotse.

Inasikaso naman nila kami agad sa ospital dahil kilala ako ng lahat doon.

Maya-maya ay nilapitan ako nung doctor.

"Tenys?"

"Kumusta na si Orean?"

"Ililipat na namin sya sa room nya. Sa totoo lang ay hindi pa sya nadi-discharge kaya nagulat na lang ako na isinugod sya dito"

"Pero ok na sya?"

"Sa ngayon, oo. Let's just wait hanggang sa maging conscious na sya"

Kasabay ko lang na pumasok si tita ng room ni Orean. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari.

"Tenys, I think it's time na malaman mo yung tungkol sa sakit nya"

Natahimik ako sa sinabi nyang yun.

In-explain nya sakin yung sakit ni Orean. Na matagal na daw pabalik-balik si Orean sa ospital. Na wala daw gamot sa sakit nya. Na posible daw syang mamatay anytime.

"Tita, no. I'll find you guys the best doctors in this hospital, sa Pilipinas or kahit internationally"

"Tenys, ayoko rin namang isipin na mamamatay si Orean--"

"Hindi po sya mamamatay, hindi pwede"

Lumapit ako sa tabi ni Orean at hinawakan ko yung kamay nya. Tinitigan ko yung maamo nyang muka.

Hindi ma-process ng utak ko na mamamatay sya anytime. Hindi ko maiproseso lahat ng nangyayari. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko. Hindi ako iiyak sa harap ni Orean.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon