Day 18 (Part 1)

30 4 0
                                    

Orean's POV

Hindi na nagparamdam sakin si Tenys simula nung pumayag sya dun sa lakad namin ni Eron. Medyo concerned din ako sa kanya sa kung bakit hindi sya nagpaparamdam.

Nung may nag-doorbell ay agad akong tumakbo papunta sa gate, expecting na si Tenys na yun. Pag-labas ko ay medyo na-disappoint ako nung hindi si Tenys yung nakita ko.

Nakangiti syang bumati sakin kaya nginitian ko rin sya.

"Good morning, Orean!" pinagbuksan ko na sya ng gate pagkatapos. Pinapasok ko sya at inalok sya ng pagkain. Hindi naman daw sya gutom.

"Ay, gusto mo bang lumabas ngayon?" nahihiya pa nyang tanong sabay napahawak sya sa batok nya. Medyo nag-blush pa sya.

Naisip kong wala rin naman akong gagawin at mukang wala namang balak si Tenys na puntahan ako ngayon kaya pumayag na ko at nag-bihis na para makaalis na kami.

Sa mall lang naman kami nag-punta. Hindi naman nya paboritong puntahan ang mall no?

Nagkwento lang sya nang nagkwento habang naglalakad kami. Hindi ko talaga naintindihan yung mga sinasabi nya kaya sumasang-ayon na lang ako sa bawat sinasabi nya. Masyado na nga ata akong preoccupied dahil hindi ko napansin na tinatawag na pala nya ko.

"Orean! Ok ka lang? Kanina pa kita tinatawag" sabi pa nya habang iwinawagayway sa muka ko yung palad nya.

"O-oo. Ays lang"

"Pahinga na nga tayo"

Nagulat ako nung bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako papalayo. Napatitig lang ako sa kamay namin na magka-hawak habang naglalakad kami.
Maya-maya ay napansin kong nasa foodcourt na kami. Sya ang nagprisintang bumili ng pagkain kaya naghintay lang ako.

Nung bumalik sya ay kumain lang ako. Medyo naiilang nga ko dahil titig na titig sya habang kumakain ako.

"Gusto mo ba?" tanong ko pa sa kanya. Baka nagugutom din kasi dya.

"Nope. I'm good" pagkasabi nya nun ay itinuloy lang nya yung pagtitig sakin. Ang tahimik pa nya kaya nag-desisyon akong basagin na yung katahimikan.

"Ummm so-" awkward ko pang simula.

"Bakit ka nga pala preoccuppied kanina pa?" gusto ko sanang sabihin sa kanya kung bakit pero hindi ko magawa.

"Si Tenys ba yan?" tanong naman nya na sumagot dun sa una nyang tanong.

Nung natapos akong kumain ay niyaya nya kong samahan daw sya sa party ng kaibigan nya. Nahihiya daw syang pumunta don ng walang kasama.

Nung nakarating kami don ay medyo madilim yung lugar, may mga party lights, medyo malakas din yung patugtog nila. Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa ganito. Never pa naman kasi ako nakapunta sa ganito.

Hindi naman ako iniwan ni Eron the whole time. May mga pinakilala rin naman sya saking mga kaibigan nya. Nung medyo nabo-bore na ko ay nag-isip na lang ako ng paraan para makalayo muna sa mga tao.

"Eron, restroom lang ako"

"Ummm dun yung cr" sabi pa nya sabay turo papunta dun sa direksyon ng cr na nasa dulo pa ng hallway.

Habang naglalakad ako ay may mag-jowa pang nakasandal sa pader. Naghahalikan pa nga sila na para bang wala nang bukas. Nung una nga ay binalak kong hindi na lang dumaan dahil nakakahiya.

"Tenys" narinig ko pang sabi nung babae. Nagulat na lang talaga ako nung si Ara pala yun at si Tenys nga talaga yung kasama nya.

TOD 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon