Pag-dilat ko ay nasa kama na ko. Sinubukan kong hanapin si Tenys pero hindi ko sya makita. Bumangon na ko at lumabas ng kwarto. Nakaamoy ako ng bacon kaya sinundan ko yung amoy na yon.
"Good morning" shadow lang ang nakita ko at late ko na na-realize na si Tenys pala yung nakatalikod na nagluluto ng bacon.
"Hope you got a good night sleep"
"Good morning din. San ka nga pala natulog?"
"Don't worry. Dyan ako sa sofa natulog. Di nga ko nakakuha ng room na maganda-ganda kahit kakilala ko ang may-ari dito" sabi pa nya sabay turo sa direksyon ng sofa.
Umupo na ko sa dining table kung saan nakahanda na ang mga plato.
"So, marunong ka pala mag-luto"
"Yup"
Sakto naman at natapos na syang mag-luto. Tumabi sya sakin at sya pa talaga ang nag-serve. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kailangan ko na ata talgang kausapin yung doktor ko tungkol dito.
---
"Tita, sorry po talaga kung hindi ko naihatid kagabi si Orean"
"It's fine, Tenys. May tiwala naman ako sayo. Tsaka wala rin naman kayong madadaanan kagabi kasi nga baha na"
"Ma! Baka kailangan nang umuwi ni Tenys"
"No, Orean. It's fine haha"
"Ummm tita, naalala ko lang. Pwede ba kaming umalis ni Orean bukas?"
"Sure"
"Ma!"
"It's fine, Orean. Ayaw mo ba?"
Hindi ako nakasagot agad dun sa tanong ni mama kung ayaw ko ba. Hindi ko naman kasi talaga ayaw.
BINABASA MO ANG
TOD 11:11
Ficción GeneralGaano nga ba kaimportante ang buhay? Lalo na kung oras na ang pinag-uusapan. Si Orean Tee, isang simpleng babae na kailanma'y hindi ginusto ang pagkakaroon ng sakit na maaari syang patayin nang di-oras. Mahirap man ay sinusubukan nyang maging posit...