He got back to his work, totally ignoring me. Nakalimutan na nga siguro niyang dinala pala niya ako dito. Hindi parin ako maka get over sa kung gaano kaganda nitong office niya.
Hindi naman niya siguro ako pagagalitan kung maglilibot ako diba? Tutal busy naman siya, e.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad lakad, hinawak hawakan ko pa 'yong mga certificates at trophies na naka patong sa isang shelf, sa kabilang shelf naman ay puno ng libro.
Ba't parang opisina to ng isang lawyer?Nagpatuloy lang ako sa paglilibot ng may maisip akong hindi magandang ideya, napatingin ulit ako sa kanya na busy parin sa pagtitipa sa laptop niya. Busy ka pala ha, tignan natin kung hindi ka madidistract nito.
Lumapit ako sa desk niya at hinawakan ang mga gamit na nakapatong doon, hindi parin siya natinag at nakatitig parin siya sa laptop niya.
May napansin naman akong picture frame kaya agad ko 'yong kinuha, akala ko hindi parin niya ako papansinin pero bigla niya 'yong hinawakan kaya nagkadikit ang kamay namin.
I smirked, success. Inagaw ko ulit 'yon sakanya at pinagmasdan 'yon. It was a picture of him and a guy, they weren't smiling. They look intimidating. Kaya mas lumapad ang ngisi ko.
"You look pretty good here." Pangaasar ko habang nakatingin parin sa litrato. "But the guy you're with is hotter." Nagulat ako nang bigla niyang kinuha sa kamay ko ang picture frame.
"Who told you to touch my things?"
"The little devil inside my head." Nakangisi ko paring sagot. Napairap siya sabay balik nung frame sa desk niya at inayos niya pa ito. Napalibot ulit ang paningin ko sa opisina niya nang may mapansin ako.
The books on the shelves are arranged by color. The trophies are also arranged from biggest to smallest. His desk are so well organized.
"You're a clean freak, hah!" I pointed out. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Do you have any problems with that?" Nakaiwas tingin niyang tanong. Ako naman ngayon ang napairap. You're the one who has problems here, not me.
Umalis nalang ako sa harap niya at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Siya naman ay bumalik ulit sa trabaho niya.
Nakapangalumbaba ako at nakapatong ang siko ko sa tuhod ko habang naka cross legs, my eyes are still roaming around trying to appreciate every little corner of this room.
It has the shade of gray, white, black and a little touch of blue. Beautiful as heck.
Napatingin ako sa pinto nang biglang may pumasok na babae. "You're having a meeting later after lunch with the board of directors about the--" Napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin niya ako.
"I'm sorry, sir. I didn't know you had someone with you." She speaks monotonously, like the google translator. At parang wala ata siyang emosyon.
"It's fine, don't mind her. And I won't attend the meeting. Thanks, Lyndie. And about that security..." Sagot naman nitong isa habang nakatitig parin sa laptop niya.
"I already took care of it, sir."
Sagot naman ng babae, tumango lang rin si baliw and it was like her cue to leave."Who was that?" Nagtataka kong tanong sabay tingin parin sa pinto. "My secretary." sagot niya. Napatango naman ako sabay balik ulit sa pwesto ko kanina.
I'm bored.
"Are you bored?" Nabasa niya ba utak ko? Kunot noo akong napalingon sakanya.
"What? You're kicking my table." Singhal niya. Napairap naman ako, akala ko pa naman nabasa niya utak ko. Umayos nalang ako ng upo para hindi ko masipa ang table niya. Magagalit kasi si bossing, e.
YOU ARE READING
His Happiness (COMPLETED)
RomanceHe had everything. He wants it, he gets it. But he longed for more, like he was never satisfied of what he already has. There's this one thing that money nor power can't buy. Started: January 2, 2018 Completed: February 12, 2021