-six-

95 2 0
                                    

Natahimik ako sa sinabi niya, nakatitig lang ako sa mga mata niya at para bang tuwang tuwa siya sa rebelasyon na ginawa.

"That's why you made me your dame?" Walang emosyon kong tanong, tumango naman siya habang nakangisi parin.

"So kung hindi nga ako pumatay noong araw na 'yon, hindi mo sana ako kinuha at dinala rito?" Tanong ko ulit, sumeryoso ang tingin niya.

"No, I would still bring you here even if you haven't killed someone. Kinuha kita doon dahil naingayan ako sayo at baka makuha ka ng mga kalaban ko, I wouldn't let them take a woman like you." Naguluhan ako sa sinagot niya, a woman like me?

"Anong ibig mong sabihin?" Umayos siya ng upo at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Of course you wouldn't get it!" sarkastiko niyang sabi sabay pasalampak na sumandal sa sofa.

"Yung mga lalaking kasama ng mga pulis na naka suit and tie, sila ang mga kalaban ko. They're also looking for a dame, at ikaw rin yung puntirya nila." Tatawa na sana ako kaso seryosong seryoso kasi siya magsalita kaya 'wag nalang at baka mapatay ako nito.

"Teka, bakit ako? May ibang babae pa naman dyan na mas mga kriminal pa saakin, eh. Yung mga, drug dealer, mga kidnapper, habang ako?" Napatigil ako sa pagsasalita. What did I do to deserve this!?

"Eh bakit ako rin yung puntirya ng mga kalaban mo? Kilala ba nila ako?" Sunod sunod kong tanong, tumingin naman siya sakin na parang manghang mangha siya sa sinabi ko.

"Are you serious right now?" natatawa niyang sabi. Umirap lang ako.

"May kumalat na article tungkol sayo, remember? About you, threatening a patient?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, what the fvck?!

"May lumabas na article tungkol 'don?!" Di makapaniwalang sabi ko, tumango siya.

"At dahil lang doon, gusto na rin nila akong makuha?" Parang walang ganang tanong ko, tumango ulit siya.

Natulala ako sa lahat ng nalaman, pero ang ikinamangha ko ay ang pagka madaldal nitong kausap ko. Hindi ko alam na may tinatagong kadaldalan pala ang isang 'Alexion Wexford', ang pinakasikat na businessman.

"Oh, ba't parang natahimik ka ata." Hindi ako sumagot, tumitig lang ako sakanya.

"Are you done talking?" Kumunot ang noo niya sa tinanong ko, naguguluhan siguro siya sa inaasta ko. Nakangiti kasi ako ngayon sa harap niya, hindi ko rin alam kung bakit.

"Is that a genuine or a sarcastic smile?" Parang naiinis na siya sa ngisi ko kaya sumeryoso ako ulit, nagsimula akong kunin yung mga gamit ko saka ako tumayo.

"I didn't know that the famous Alexion Wexford is so good at talking." Pang aasar ko tsaka ako umakyat sa taas, nakita ko pa ang masama niyang titig kaya mas natawa ako.


......

Kinabukasan, nagsimula na yung pagiging tunay kong dame kuno. Dinala ulit niya ako doon sa lumang building na pinuntahan namin kahapon, sabi niya lair daw ng grupo nila yun.

Pagdating namin doon ay binungad kami nang mga tauhan niya at binabati nila kami, binabati narin nila ako at tinatawag nila akong 'dame' kaya napayuko nalang ako habang naglalakad kami papunta doon sa 'throne' daw ni Alexion.

Iniisip ko nalang talaga na roleplay to tas if maganda performance ko, gaganda buhay ko next life.

Pagdating namin doon, marami nanamang mga lalaking na ang lalaki ng mga katawan ang nakapalibot. Nagbigay ulit sila ng daanan para saamin papunta doon sa may stage na may dalawa nang upuan, kahapon isa lang kasi yun.

Agad namang umupo si Alexion sa malaking upuan niya na parang 'yong nakikita ko sa mga palabas habang ako naman ay nakatayo lang sa may gilid niya, pag tingin ko ulit doon sa mga lalaki na nasa harap namin ay nanlaki ang mata ko.

Nakatingin kasi silang lahat sakin at parang naguguluhan sila sa ginagawa ko, natakot naman ako kasi baka may nagawa akong masama at baka patayin nila ako lahat mamaya. Tumingin ako kay Alexion nang naramdaman ko ang siko niya.

"Anong ginagawa mo dyan? Kita mong may upuan dito, oh." Inis niyang sabi sakin, agad naman akong umupo at baka may bumaril bigla sakin sa kung saan.

"You're our dame, pinagusapan na natin 'yon kahapon nakalimutan mo na agad?" Umirap ulit ako, hindi ko naman kasi alam na para sakin pala yun at hindi rin ako sanay na tratuhing parang reyna.

Maya maya pa ay dumating yung parang assistant ni Alexion na si Atlas at bumati muna siya sakin bago siya may binulong kay baliw, hindi ko narinig yung bulungan nila pero nakita kong tumango tango siya.

"Escuchen todos...." (Trans.: Listen, everyone..) Panimula ni Alexion at agad namang humarap sakanya ang lahat,

"Hoy es un día especial." (Trans.: Today is a special day)

Sunod niyang sabi at nakuha nito ang atensyon ko, ano kaya ang mangyayari? "It's one of our traditions so you should do your best for it...." Tradition? May tradition tradition pala ang mga ganito?

"Atlas, call the others, and tell them it's urgent." Utos nito kay Atlas na nakatayo lamang sa gilid niya, sumunod naman agad ito.

"Let's wait for the other higher ups first before I announce it." Nagtaka naman ako sa sinabi niya, may mga higher ups pa pala sa mga lalaki na nandito ngayon? feeling ko kasi ang gagaling na ng mga nandito sa harap ko.

Sa ilang minutong paghihintay namin, biglang bumukas yung double door sa harap at may apat na taong pumasok, dalawang lalaki tsaka dalawa ring babae. Sa mga tingin palang nila nakakatakot na. Except nung isang lalaki na nakangiti sabay kaway kaway, hanggang sa tumigil sila sa harap namin at tinitigan nila ako.

A short girl wearing a very revealing outfit walked a step ahead and crossed her arms.

"Is she the dame?"

To be continued....

His Happiness (COMPLETED)Where stories live. Discover now