I badly need to go to Cailie, he's the only hope that I have. I don't feel comfortable in a place like this at all, it is beautiful but the person living in it is extremely is basically a psycho.
Also, I'm being kidnapped. They have no plans on killing me pero hindi rin nila ako hinahayaang umalis. Ano ba kailangan niya? Kidney? Ang yaman yaman naman na niya eh bakit kailangan niya pa kidney ko?
I can barely sleep properly because of his shouting! Ginusto ko mang mag bingi bingihan pero sa sobrang lakas ng mga sigaw niya ay parang umaabot ito sa kabilang bahay.
He already warned me about this, about him having nightmares sometimes. Hindi niya sinabi sakin kung bakit, ayaw ko rin tanongin. Hindi ko nga alam kung maiirita ba ako or maaawa.
This man may be an asshole to me, but I somehow pity him. He may be the wealthiest man on earth but he's also full of pain.
He's just like me, but my difference is that I have nothing. I'm basically an empty can, waiting for someone to reuse me or just throw me away.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang wala na akong marinig na sigaw pero maya maya lang ay mga hikbi naman ang naririnig ko, mahina nga iyon pero nakaramdam parin ako ng kilabot.
Hindi ko na napigilang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya, naka white shirt lang ako at shorts. Sa dalawang araw kong pag-stay dito ay ito lang ang lagi kong suot na pambahay.
I slowly opened the door so that I won't make a noise.
Nakahiga padin siya sa kama at nakatagilid sa direksyon ko, both of his hands are covering his face while his shoulders are shaking. He's still crying.
Nakasilip lang ako sa pinto habang pinagmamasdan siyang humagulgol.
It felt weird having to witness a very successful man being vulnerable.
Sinirado ko nalang ulit ang pinto sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko, inihiga ko ang aking sarili sa kama at doon na ako dinalaw ng antok.
......
⚜
It was already 5 am in the morning when I woke up, medyo madilim padin sa labas at napakalamig pa ng hangin. I decided to get up and take a quick shower, that guy with sleeping problems last night actually bought me some clothes to wear.
He even bought me undies....how perv. But thanks to that jerk, now I don't have to suffer.
Nagbihis lang ako ng black jeans black leather jacket at white shirt sa inner. Bumaba ako sa sala at natagpuan ko siya doon na nagaayos ng necktie niya habang nakaupo sa sofa. Himala dahil hindi siya umalis ng maaga ngayon.
Dumiretso lang ako sa kitchen at nagluto ng breakfasts, hindi niya ako ginising at hindi din siya nagmamadali ngayon kaya baka isa nanaman 'tong araw na 'to sa pinakasimple, pinakapeaceful at pinakaboring na araw.
Paulit-ulit lang kasi ang routine niya araw araw, gigising ng maaga, pupunta sa opisina, uuwi sa bahay, tas matutulog. That is how this bastard lives. And I am just like a girl stuck with him, parang free lancer lang ako dito.
Sinasama niya ako sa opisina niya at pinapa-stay sa may sala sa loob ng opisina niya, his office has everything! You can stay there for the rest of your life.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang mapansin kong naglalakad palapit sakin si Alexion, hindi ko siya pinansin hanggang sa bigla nalang niyang hinila paharap sakanya ang upuan ko.
"Come with me." he said
I was pretending to ponder then looked straight to his face, "As if I have a choice." Nakita ko kung paano niya pinigilan ang pagikot ng mata niya, marahas niyang binitiwan ang paghawak sa upuan ko at naglakad palabas sa mansion.
Niligpit ko na ang mga pinagkainan ko tsaka ako nag toothbrush at lumabas na din sa mansion, naabutan ko sa labas ang isang itim na mustang at kitang kita ko sa loob ang seryosong mukha ni moon ga goh.
Pinasuot nanaman niya ako ng mask at balot na balot nanaman ako, pagpasok ko sa sasakyan ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan.
Kahit ang init init ngayon, tiniis ko paring wag magreklamo kasi mas masahol pa ang lumpia kesa sakin.
Maya maya lang ay bigla siyang lumiko sa daan na hindi niya palaging dinadaanan kaya nagtaka ako, saan nanaman kaya ako dadalhin nitong may sayad?
Tumigil kami sa harapan ng isang lumang building na ang creepy tignan, naka suit and tie 'tong kasama ko tas dito lang pala siya pupunta? Baliw talaga. Bumaba siya sa sasakyan at tumayo lang sa harap noong lumang building tsaka lumingon saakin at sinenyasan niya akong bumaba, sumunod naman ako para walang patayan ang magaganap.
Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad kami papasok doon sa lumang building, pasikot sikot ang dinaanan namin.
Tumigil siya sa paglalakad sa harap ng isang wooden door na may dalawang lalaking nakabantay. Agad agad nilang binuksan ang pinto nang makita nila si Alexion, pumasok kami sa kwartong yon at kulang nalang tumulo ang laway ko nang makapasok kami.
Kung gaano ka ganda ang lugar na ito, ganun din ka nakakakilabot ang nasa loob nito. Mayroong nagkukumpulan sa gitna ng kwartong iyon at nagbigay daan sila saamin sa gitna, naglakad palapit si Alexion doon sa upuang nasa unahan namin habang nakasunod padin ako.
Umupo siya sa upuang iyon habang ako naman ay nakatayo lang sa gilid niya, hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o mamamangha kung gaano sila ka tahimik ngayon habang nakatitig samin.
"Empecemos. (Let's start)" Naputol lang ang katahimikan nang magsalita si Alexion. So they're speaking Español here, tumingin ako sakanya at inismidan niya lang ako, umirap nalang ako sa ere.
Maya maya lang ay may narinig akong mga kaluskos ng kadena at mga daing, bigla nilang hinagis sa harap ang isang lalaking puro pasa ang katawan. Lumingon ulit ako kay Alexion at doon sa lalaki lang nakatuon ang atensyon niya.
"Él es uno de los testigos, maestro. (He is one of the witnesses, master.)" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Witnesses? Saan?
"¿Cúal es su nombre? (What is his name?)" Tanong ni Alexion doon sa lalaking nakatayo ngayon sa harap namin at siya ngayon ang nakikipagusap sakanya, naka suit ang tie din siya, sila lahat.
"Angelo Ilreal." Sagot nung lalaki, tumahimik saglit si Alexion. Tumayo siya at lumapit sa lalaki, bigla niya 'yong sinipa kaya napahiga ito. Napaiwas agad ako ng tingin nang tinapakan niya ang sugat ng lalaki.
May binulong muna siya rito bago niya inutusan 'yung mga lalaki na kaladkarin 'yon paalis.
Nakatulala parin ako habang nakatitig 'don sa pwesto ng lalaki kanina, hindi ko nga napansin na bumalik na pala siya sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sakanya. Napalingon ako sakanya dahil 'don.
"Escucha a todos, déjame presentarte...(Listen everyone, let me introduce to you...)"
"My dame...Valeria Patel."
Itutuloy.......
Dame; a woman who has been given a title as an honor for something she has done.
YOU ARE READING
His Happiness (COMPLETED)
RomanceHe had everything. He wants it, he gets it. But he longed for more, like he was never satisfied of what he already has. There's this one thing that money nor power can't buy. Started: January 2, 2018 Completed: February 12, 2021