Sobrang laki ng ngisi ko ngayon dahil sa naging reaksyon niya, halatang halata na hindi niya inasahan yong ginawa ko. Nakahawak parin ako sa bewang niya habang yung dalawang kamay niya ay nakahilig lang sa dibdib ko, it is an awkward position.
Pero mas nabigla ako nung sinabayan niya yung ngisi ko, na para bang inaakit niya ako. Sh't, she better stop before I do something stupid.
Hindi rin naman ako nagpatalo at mas lumapit ako sakanya, sinabayan niya ulit ako at pinatong niya yung dalawa niyang kamay sa leeg ko.
Hindi ko alam kung anong susunod kong gawin kaya tinitigan ko nalang siya, she's seriously so beautiful. Kahit na inaasar ko siya aaminin ko paring sobrang ganda niya, marami narin naman akong nakilalang babae na maganda.
But it was my first time to let a woman stay at my house, for a really long ass time. Usually kasi dinadala ko lang yung mga babae sa kama tas kakalimutan ko lang rin sila kinabukasan, and those women actually don't mind at all because they just also want to bed me.
But Valeria's case is different, she doesn't want anything from me at all. Which makes me want to make her want me.
Every inch of her face is so beautiful, I could probably stare at her for the whole day. Kahit na madilim dito sa darkroom, nakikita ko parin yung kagandahan niya.
Her pretty brown eyes, with long lashes, her pointed nose, and her red lips. Ilang minuto muna akong tumitig sa mga labi niya bago ako tumingin sa mata niya, then I caught her staring at my lips too.
"Master, I forgot to--" Bigla nalang bumukas ang pinto ng darkroom at pumasok doon si Minerva na halatang nagulat at agad na kumunot ang kanyang noo sa nakita niyang posisyon namin, bigla namang lumayo sakin si Valeria kaya napatikhim ako.
"I-I'm sorry, did I..." Agad umiling iling si Valeria sa sasabihin sana ni Minerva.
"No, absolutely not. Ano nga yung sasabihin mo?" Tanong ko nalang tsaka inayos ang suot ko, hindi rin naman mapakali si Valeria at nagsimula siyang maglibot libot sa kwarto.
"Okay, uhm..the thing is..." Binulong niya lang ito sakin at tumango tango naman ako, agad din siyang lumabas pagkatapos non.
Nakita kong tinitingnan na ni Valeria yung mga litrato na nakapaligid kaya lumapit narin ako sakanya.
"So, I was about to show you something...." Panimula ko, lumingon naman siya saglit sakin pero agad niya ring binalik yung atensyon niya sa mga litrato, na para bang ginawa niya iyong palusot para hindi siya makatingin sakin ng diretso.
"Okay.....ipakita mo na sakin." Sagot niya, tumango naman ako at kinuha ko yung litrato na kanina niya pa tinitignan kaya napalapit ako sakanya.
Nagulat naman siya sa ginawa ko at napaatras siya dahil 'don, "This is what I meant." Nakangisi kong sabi, pumikit siya ng mariin bago tumingin sakin at sa litrato.
"At baliktad 'to." Habol ko pa, napaiwas naman siya ng tingin sabay ngiting naiilang. Napangiti rin ako sa naging reaksyon niya kaya nagngitian kami na parang mga baliw.
Napatikhim ako at binalik ulit yung atensyon sa litrato na hawak ko, nilapag ko yun sa mesa at kinuha ko pa yung ibang mga litratong konektado nito. At nung nakuha ko na lahat ay hinila ko siya ulit, pero mahina lang para hindi maulit yung nangyari kanina.
"Observe these photos, and tell me their differences." Nakahalukipkip kong sabi, she raised her brow and heaved a sigh.
"Is this some kind of a test?"
"Just do it."
"Tss.."
Nagsimula siyang titigan yung mga litrato at maya maya ay tumango tango siya, "Tell me what you see." She tucked some loose strands of her hair behind her ears before she stood properly.
"Uhm, it shows...feelings." Sagot niya, tumaas ang dalawa kong kilay.
"What feelings?" Habol ko pa.
"Anger, sadness, and happiness." Tumango tango ako sa sinagot niya, at ang sunod kong ginawa ay kinuha ko yung litrato na nagpapakita ng 'happiness' at hinarap ko iyon sakanya.
"Nakikita mo ba ang sarili mo sa ganitong mga sitwasyon?" Tanong ko, kumunot naman ang noo niya. Tinitigan niya ulit yung litrato at parang nagdadalawang isip pa siyang sagutin yun pero....umiling siya.
"I've never been that happy." Sagot niya sabay turo sa litrato na hawak ko, natigilan naman ako.
I thought she was living a perfect life, umiwas ako ng tingin sabay tikhim. Para akong na dismaya at nalungkot at the same time, hindi ko alam kung bakit apektado ako sa sinabi niya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pakiramdam ng pagiging masaya.
......
❃
Ilang minuto muna siyang natigilan habang naka tingin sakin, hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya nakatitig na kami sa isa't isa ngayon. "What's with the stare?" Naiirita kong sabi sabay taas kilay.Lumapit siya sakin ng ilang hakbang, "Valeria Patel." Sinabi niya yun sa napakalalim na boses kaya parang kinalibutan ako, hindi ako umimik at nakatitig parin ako sakanya.
Hindi siya tumigil sa paghakbang hanggang sa ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Close your eyes," Sinunod ko agad ang sinabi niya pero di ko alam kung bakit, may ginawa ba siya sakin? "Just listen to my voice," Hindi ako sumagot at nakapikit parin ako.
"Valeria...." Unti unting humihina yung boses niya at may iba't-ibang ingay na akong naririnig. Mga boses......isang babae at dalawang lalaki.
"Listen to my voice." Nawala saglit yung mga boses nung magsalita siya pero nung tahimik na ulit, isang napakalakas na sigaw yung narinig ko kaya napasinghap ako pero hindi ko magawang dumilat.
"S-stop, stop it!" Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya ang nagawa ko nalang ay ang sumigaw. Iba't-ibang ingay nanaman ang naririg ko, mga tawa, iyak, sigaw, yabag ng paa, at putok ng baril.
"Alexion! Stop it! Stop doing this to me, please!" Pagmamakaawa ko pero parang wala siyang narinig at patuloy parin siyang sumasambit ng mga salitang 'di ko na maintindihan, kinakapos na ako ng hininga kaya sobrang bigat na ng paghinga ko.
"Pijn, verdriet, verlies, spijt, ik zal je dat allemaal laten voelen." Yon ang huling mga salita na narinig ko sakanya bago umitim bigla ang paligid at naramdaman ko nalang ang dalawang braso na sumalo sa likod ko.
to be continued....
YOU ARE READING
His Happiness (COMPLETED)
RomanceHe had everything. He wants it, he gets it. But he longed for more, like he was never satisfied of what he already has. There's this one thing that money nor power can't buy. Started: January 2, 2018 Completed: February 12, 2021