-five-

105 3 0
                                    

Me?! A dame?! Seryoso ba siya?! Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Alexion, siya naman ay parang tuwang tuwa sa anunsyong ginawa niya.

Nag roroleplay ba kami? Ako yung reyna ta siya yung hari, ganon? Inangyan iuwi niyo na ako.

Biglang tumahimik ang paligid pero maya maya naman ay yumuko yung lalaking parang assistant na ni Alexion at agad din namang sumunod yung mga lalaki na nasa likod niya. Gago seryoso ba to?

Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa bumalik kami sa bahay ni Alexion, hindi rin naman siya nagsalita kaya parang huminahon ako ng konte. I was just staring at him while he started unbottoning his sleeves and untying his necktie then slowly rests his body on the sofa.

He looks so relaxed, should I bother him? 'Wag na, baka mapatay pa ako nito ng wala sa oras. Hindi ko parin maintindihan kung bakit niya yun inanunsyo sa harap ng mga lalaking 'yon, wala na bang ibang babae sa buhay niya?

Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at baka matunaw pa siya, hinubad ko narin ang jacket, mask tsaka sumbrero ko dahil nagsisimula nang uminit.

"Are you mad?" Bigla niyang tanong habang nakapikit parin, hindi ko siya sinagot, isang step pa yung naakyat ko nang magsalita ulit siya. "Answer me." Sinabi niya pa, napahinto ako sa paglakad.

"Yes. Can I go upstairs now?" Inis kong sabi sabay harap ulit sakanya at nakatingin na pala siya sakin.

"No, not yet. I still have something to tell you." umirap ako, ngumisi naman siya.

"Who are you for me to obey?" inis kong sabi, tumayo naman siya at naglakad palapit sakin. Noong nasa harap ko na siya, napansin kong magka height na kami dahil nasa elevated na part na ako ng hagdan.

"Remember. I'm the master, you're just a dame." Nakangisi parin niyang sabi.

"Excuse me, Mr. Wexford. Kailan ba ako sumang-ayon na maging alagad mo?" sarkastiko kong sabi. Naging seryoso ang mukha niya kaya parang natutop ang bibig ko.

"You don't have a choice, young lady."

Young lady? Luh! Baka nga mas matanda pa ako sakanya. "Sit down, let's talk." Utos niya pa ulit.

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi niya. Nang nakaupo na ako, naglapag siya ng mga larawan ng mga babae sa mesa. They're stunning as hell, kahit yung quality ng litrato pang 80's. Ano to? mga babae niya noon?

"They're the women of our family." Napatulala naman ako. "That's my fathers sister." Sabi niya sabay turo doon sa litrato.

She's like an angel, how the hell can someone be this pretty. Tinuro naman niya ulit yung isang litrato tas bigla siyang natulala.

"That is my...mother." Napatitig ako sakanya, para kasing ang lungkot niya nang sinabi niya yun. Napatingin naman ako sa litrato at napagtanto ko na nag mana ata siya sa tatay niya, ang ganda ganda kaya nitong nasa litrato eh ang pangit naman nitong nasa harap ko.

Ang inosente niya tignan sa picture pa lang, ang amo amo ng mukha niya. Eh ba't parang ang layo naman sa anak? Nagtaka ako kung bakit tumahimik ang paligid, nakatulala pala si sholokoy.

Ano nanaman kaya nangyari sa lalaking to? Sinipa ko yung mesa ng kaunti kaya parang natauhan siya. "So? bakit pinapakita mo sakin to? At tsaka asan na sila ngayon?" Nagtataka kong tanong. He stared at me blankly.

"My aunt is living in Spain, while my mother...." Hindi niya tinuloy ang sinabi niya kaya napakunot ang noo ko, ano to? Pa thrill?

"She died with my father 14 years ago." sagot niya sabay tikhim. I pursed my lips and looked away. Lumunok ako bago tumingin ulit sakanya.

"How old were you?" mas agad na tanong ko. Bumuntong hininga muna siya bago pinatong ang dalawang siko sa tuhod at pinaglaruan ang sariling kamay.

"12 years old." seryoso niyang sagot habang nakatitig saakin.

I also became an orphan at the age of 11, my parents died because of an ambush and the closest relative they could find was Pablo. But the only person that treated me like a family was his son, Cailie.

Miss ko na tuloy yung si Cailie kahit na nakakainis rin yun minsan.

Bigla nalang kaming natahimik na para bang may anghel na dumaan, maya maya ay umupo siya ng maayos kaya tumingin ulit ako sakanya.

"My aunt, was once the CEO. But later on, she decided to quit because she married a hispanic guy she met from somewhere then they had kids." kwento niya pa, tumango-tango naman ako. She gave up her position just for her family, will this guy do the same thing too? 

"Si dad sana yung susunod, but my mother on the other hand didn't agree. So, my uncle took the pleasure. He's their youngest sibling." So dapat kadugo lang nila yung makakakuha sa position, well that's cool. 

Is business really that hard?

"But then, something happened that totally ruined our family." Sambit niya pa, hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sakanya. "And I don't know what that is." Napairap naman ako, good story jerk.

"Bakit mo nga to sinasabi sakin? Do you suddenly want me to care about your life?" Inis kong sabi na nagpakunot ng noo niya, napalunok naman ako ng wala sa oras.

"This will serve as your orientation for being our dame, you should be honored." Inis niya ring sabi. Uhm..okay?

"The lowest rank is the Dame, it is what you are right now. Pero kung susundin mo lahat ng sasabihin ko at itatrato mo ako ng maayos, you will be promoted as a Duchess. And the highest rank is the Queen." As if susundin ko lahat ng utos mo, edi para akong naging maid hindi dame.

"Teka, bakit ba ako naging Dame mo? May nagawa ba akong kinatuwa mo?" Nagtataka kong tanong, napasmirk naman siya sa sinabi ko.

"Of course you did, I wouldn't claim you as my dame if you didn't." Sagot niya, napataas ang kilay ko.

"You shot someone, remember?"

To be continued.....

His Happiness (COMPLETED)Where stories live. Discover now