CHAPTER 1

13 0 0
                                    







EZEKIEL's PoV








*BZZZT! BZZZT! BZZZT!*







Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinapa kapa ko ang aking bulsa gamit ang kanang kamay. "Oh?" bungad kong sagot sa tumatawag.







"Kiel? Nasaan ka na ba?" pagsasalita ng nasa kabilang linya. Sino ba 'to?







Tinanggal ko muna saglit sa pagkakaipit ng cellphone ko sa kanan kong balikat at tenga at tinignan kung sino ang tumawag. Tsk! Si Miguel lang pala. Akala ko naman na kung sino.







"Malapit na 'ko." sagot ko sa tanong niya tsaka siya binabaan ng tawag. I sighed in frustration. Fuck! Seriously? Nakipagsex ako sa isang maid? Pero okay lang, masarap naman siya kaya lang nalate na 'ko dahil nakaapat na rounds kami. Tsk!







Binato ko naman sa passenger seat ang cellphone ko bago ako lumiko. At last, nandito na ako.








Nang makapasok ako ay mabilis kong pinark ang kotse ko sa parking lot. Bago ako bumaba ay sumulyap muna ako sa relo ko. Great. Just great. Late na late na talaga ako.







*BZZZT! BZZZT! BZZZT!*







"WHAT?" inis kong sigaw nang sinagot ko ang tawag.








"Woah. Chill bro. Si Miguel 'to. Nasaan ka na ba kasi? Bilisan mo na habang wala pa si Mrs. Novida." napakunot-noo ako sa sinabi niya. Nilock ko muna ang kotse ko bago naglakad palabas dito sa parking lot.








"Mrs. Novida? Eh 'di ba, hindi naman 'yun nalelate?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Tatlong taon na naming adviser si Mrs. Novida at pang-apat na ngayon. Lagi siyang maaga kung pumasok kaya nakakapagtaka na wala pa rin siya sa classroom.







"Aba malay ko? Basta bilisan mo na! May sasabihin daw sa atin si Lance." Tsk. Mga kabaklaan na naman siguro sasabihin niyan.








"Oo na. Nandito na 'ko sa floor natin." pagtatapos ko sa usapan bago siya binabaan.







Ilang hakbang na lang ay makakarating na ako sa pintuan ng room namin, kaya lang napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ako na may taong nagmamasid sa akin. Napalingon ako sa paligid kung may tao pero wala naman kahit anino. Napaparanoid lang siguro ako. Huwag naman sana.







Binuksan ko na ang pinto ng room namin. Bumungad naman sa akin ang magulo at makalat na classroom. Hindi ko alam kung bakit kami tinitingala ng ibang estudyante eh hindi naman kami marunong maglinis, lagi nga kaming makalat dito. Siguro dahil halos lahat kaming nadirito sa section na 'to ay magaganda't gwapo kaya nila kami tinitingala. I shrug my shoulders with that thought.







Nilagpasan ko lang ang mga kaklase kong napapatingin sa akin, mga babaeng palihim akong kinukuhaan ng litrato, mga ibang lalaking kita mo ang pagkainggit sa kanilang mukha. Wala akong magagawa, gwapo ako at malakas talaga ang sex appeal ko kaya lahat sila napapagawi ang tingin sa gawi ko.







Nang makarating sa kinauupuan ng mga kaibigan ko ay pagod akong umupo sa tabi ni Eugene. Agad naman silang napalingon sa akin. "What?" asik ko sa kanila.







"Seriously dre? Pagod ka?" pag-uusisa ni Migz sa akin. Napaismid naman ako sa sinabi niya. Bukod nga sa pinagod ako ng maid na 'yon ay may hang over pa ako. "Bakit ka naman pagod?"







The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon