CHAPTER 4

5 0 0
                                    


JOYCE's PoV


"JEAN! ANO BA?! GUMISING KA NA DYAN!" inis kong sigaw habang kinakalampag ng malakas ang kanyang pintuan.


"Baka kumakain." inis akong bumaling kay Kim na nasa kaliwa ko. Tumingin naman siya sa akin ng inosente bago niya ako nilayasan. Ang wirdo talaga ng isang 'yun.


"JEEEAAANN!!" sobrang tinis naman na sigaw ni Dexie na sinabayan pa ng kalampag ni May.


Aawatin ko na sana sila kaya lang biglang bumukas itong pinto ng marahas at bumungad sa amin ang nakatayo at madilim na mukha ni Jean. Paktay kang bata ka.


"TAKBO!" sigaw ko at nag-unahan kaming bumaba patungo sa sala. Natapilok pa nga si Dexie eh. Pabebe pa kasi. Tsk!


*********

"Wohoo! Ang ganda talaga ng ferrari mo, Joyce." manghang sabi ni May at hinaplos-haplos pa ang upuan ng kotse ko.



Lalong nagdilim ang mukha ko na halos hindi na maipinta sa sobrang pagkaasar. "Don't you dare to touch it again." inis at may halong diin kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin ng diretso sa kalsada.


"Ooops. Sorry fo. Hindi na fo hahawakan ni Tinay." parang tangang sabi niya. Narinig ko naman ang nakakaasar na tawa ni Dexie.


Jela Villareal University. 'Yan ang pangalan ng school na papasukan namin magmula ngayong araw. Sucks, dapat hindi na lang pala kami sumunod.


Pagkababa naming lima rito sa kotse ko ay agad ko itong inilock. Well, habang nagreretouch pa sila, maliban kay Jean na cool lang habang nakaheadset eh idedescribe ko muna ang mga suot namin.


Nakaripped jeans ako na black at nakawhite plain sando sa loob na pinatungan ng checkered red na longsleeves, naka nike red naman ako. Ang simple pero ang ganda lalo na at ako ang nagsusuot. Wahahahaha!


Si Dexie naman, nakaloose na dress na color light brown na hanggang tuhod, nakafitted jeans siya na creamy white at nakaheels ng 4 inches na color black. Nagmuka tuloy siyang puno.


Si May naman, nakafitted jeans rin katulad ni Dexie pero sa kanya ay faded na bluish white, nakaoff shoulder siya na floral blue and nakaflatshoes siya ng blue. Well, ang babaeng mahilig sa color blue.


Si Kim naman ay nakadress ng pink na 2 inch above the knee, nakasneakers siya ng pink rin na bumagay naman sa maputi niyang balat.


And lastly, err, si Jean na nakaplain white shirt na may nakaprint na MUSIC IS IN MY SOUL sa harapan, nakatupi ang sleeves nito ng konti, nakafitted jeans rin siya na color black na katulad rin ng akin, nakaheels rin siya ng black na 5 inches, nakabonet rin siya ng black na lalong nagpaastig sa kanya. I really love our taste in fashion.


"C'mon girls." nakangising sabi ni Jean at nagsimula na kaming maglakad palabas ng parking lot. Siyempre nasa unahan ang aming leader.


"Oh my God. Who are they?"


"They're all cool."


"Diba si Miss JC 'yan?"


"Oo nga. Sino ba 'yang mga kasama niya?"


"Emeged! Ang gaganda nilang lahat lalo na si Miss JC!"


"Tsk! Papansin talaga 'tong Villa na 'to."


"Slut! Bitch!"




"Oh no. Siguradong malalagot sila sa Campus Princesses."


The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon