JC's PoV
Napag-isipan kong pumunta na lamang sa library. Nawiwirduhan nga ako sa sarili ko eh, hindi naman ako mahilig magbasa kaya bakit ako pupunta ng library? Tungaws rin ako minsan eh.
Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang napakalawak na library. Grabe, ang laki. 'Di ko akalain na ganito pala kalaki.
Nagsign in naman ako dun sa log book bago maghanap ng pwedeng basahin. Hmm. Kay William Shakespeare kaya?
SOMEONE's PoV
*KRIING! KRIING! KRIING!*
Napatigil ako sa aking ginagawa at agad sinagot ang tawag sa telepono. "Hello?"
"King, kumikilos na sila. At sa nakalap kong balita mula sa tauhan nating nagmamatyag sa kanila, balak na nilang dumayo rito sa Pilipinas upang patayin siya."
Napatayo ako sa gulat dahil sa narinig, "Ano?!" inis kong sigaw. "Hindi pwede!"
"Wala na po tayong magagawa. Nakatakda na po talaga ang dapat na mangyari sa kanya. Alam po natin na kaya niyang protektahan ang kanyang sarili ngunit hindi sapat 'yon."
"Kailangan ko ba talagang gawin 'yon? Alam mo naman na ayokong mapahamak siya." pagod kong sabi at napahilamos ng mukha. "Sabihin mo, kailan mo nalaman at kailan nila balak dumayo rito?"
"Kanina ko lang po nalaman at sa susunod na buwan na sila dadayo. Naghahanda sila ng mga bago nilang imbensyon upang pabagsakin ka at ang buo mong angkan."
"Hindi 'yan mangyayari. Tandaan mo 'yan." madiin kong sabi bago siya binabaan ng linya.
Napasuklay na lang ako sa aking buhok at pagod na umupo. Kailangan ko na sigurong gawin ang dapat kong gawin.
EZEKIEL's PoV
"Pre, hindi pa ba tayo papasok? Namimiss ko na si JC." nakahalumbabang tanong sa akin ni Lance. Nandito kami sa Music Room at nagpapraktis kami ng banda para sa darating na Foundation Day next month.
"Ang tanong, miss ka rin ba?" sabi naman ni Miguel kaya sinamaan siya ng tingin ni Lance.
"Kahit kailan panira ka talaga eh!" inis na sabi ni Lance at binato niya ng drumstick si Miguel. Nakaiwas naman ito kaya mas lalo siyang nainis. "Bwiset."
"Mamaya na lang tayo pumasok, magpraktis muna tayo." sabi ko at inayos ang pagkakalay ng mic ko sa stand nito. "Game. Start the count, Lance." sabi ko kaya umayos na sila ng pwesto.
"1, 2, 3 go!"
🎤🎶And I give up forever to touch you🎤🎶
3RD PERSON's PoV
"Halika ka na kasi. Ngayon na lang ulit eh." pamimilit ni Joyce kay JC na nakasimangot.
"Ano ba! Sabing bitawan niyo ko eh! Ayoko nga!"
"Che! 'Wag ka ng KJ! Arte mo ah?" nakataas kilay na sabi ni Dexie at hinila na rin si JC
BINABASA MO ANG
The Bad Girl
Teen FictionJean Carla, short for JC is a super badass slash badgirl. She can get what she wants. But despite of being a badass, she's good in all academics. That's why her parents didn't hesitate to give anything what she wants. But, even if she's a badass, sh...