CHAPTER 8

3 0 0
                                    







EZEKIEL's PoV







"Fuck." ilang malulutong na mura na ang lumabas sa bibig ko dahil sa inis. Sinong hindi maiinis sa ginawa ng babaeng posporo na 'yon?!







"Stop cursing man. Nakakairita na kaya." sabi ni Miguel kaya napalingon ako sa kanya at sinamaan ng tingin. "Kung linisin at gamutin mo na lang yang gasgas at bukol mo sa noo kesa sa nagmumura ka dyan. Tsk!" sabi niya pa bago niya ako iniwan.







"Fuck!" inis kong kinuha ang med kit dito sa clinic at agad kumuha ng bulak at alcohol. Kunot-noo kong binuhusan ng alcohol itong bulak bago madiing inilagay sa noo ko. "What the fucking shit!" mura ko ulit at padabog na binato sa kung saan yung bulak. Ang hapdi! Fuck!







Kumuha na lang ako ng panibagong bulak at nilagyan ng betadine. Naggupit rin ako ng medical tape at idinikit sa likod ng bulak. Idinikit ko naman na itong bulak sa noo kong may gasgas at bukol. Swear. Magkakaganito ka ding babae ka







Pagkatapos ay padabog akong lumabas ng clinic. May nababangga pa akong mga estudyante pero wala akong pakealam. Gusto kong makita ang babaeng gumawa nito sa noo ko! Fuck! Yung cellphone niya! Naiwan ko sa clinic!







Mabilis naman akong bumalik sa clinic at gladly ay nandoon pa rin sa kama yung cellphone. Kinuha ko ito at pinakatitigang mabuti. Samsung J7 Pro. Wow. Binuhay ko naman ito at agad bumungad sa akin ang picture ng dalawang tao







Isang lalaking nakangiti ng malapad habang nakatingin at nakaakbay kay JC na nakatingin rin sa kanya. Is this her boyfriend?







Napakunot ang noo ko nang wala namang lock itong phone niya. Umupo muna ako sa kama dito sa clinic bago kalikutin itong cellphone niya







Pumunta ako sa gallery at halos lahat ng picture ay silang dalawa ng kasama niyang lalaki sa wallpaper niya. Meron pa ngang videos na nagkukulitan sila. Napakunot na lang ako ng noo bago itapon sa basurahan yung cellphone niya. Walang kwenta







**********







"Hoy! Nasaan 'yung katabi mo?" pagkapasok ko sa classroom ay agad kong pinuntuhan si JC kaya lang wala siya dito. Kaya tinatanong ko ngayon itong katabi niya








May kung anong binulong pa ito habang nakangisi kaya napakunot noo ako. "Malay ko. Tanungan ba ako ng mga nawawalang tao?" nakataas-kilay niyang sabi bago ako inirapan. The fuck?








Tinulak ko siya sa balikat kaya napalingon siya sa akin at sinamaan akonng tingin, "Damn! Just answer my fucking questions!" inis kong sigaw sa kanya








Tinaasan niya uli ako ng kilay bago marahas na tumayo sa harapan ko, "Pake mo ba? Pake mo ba kung nawawala siya? Sino ka ba para hanapin siya?" nanunuya niyang tanong sa akin. Ang tabas ng dila ng babaeng 'to!








"Hindi mo ba ako kilala, ha? Ako ang anak ng pinakamalaking share ng school na 'to! Kaya ilugar mo yang pagkamaldita mo! Naiintindihan mo?! And just answer my damn question!" inis na inis ko ng sigaw. Hindi ko alam pero hindi ko talaga matanggap na pinahiya ako ng JC na yon sa harap ng madaming tao








"Wow. Magic. Matatakot na ba ako? Hah! Asa ka! Pake ko sa anak ka ng pinakamalaking share ng school na 'to? At sinabi konna kanina di ba kanina? MALAY KO! EWAN KO! DI KA BA NAKAKAINTINDI NG TAGALOG? GUSTO MONG I-ENGLISH KO PA?" singhal niya sa akin. Tinulak niya ako sa balikat ng malakas kaya napasandal ako sa mga upuan, "At wag na wag mo kong hahawakan. Di tayo close. " dagdag na sabi niya pa bago ako irapan. Umupo uli siya sa kanyang upuan at nagbasa uli ng libro na para bang walang nangyari








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon