CHAPTER 5

1 0 0
                                    





3RD PERSON's PoV






"Hello. Glad were back." nakangising sabi ng babaeng may hanggang kili-kiling buhok. Si Ashley Ramos, one of the Campus Princesses.






"C-campus Princesses."






"Princess Ashley."






"Oh, you all look shocked?" nakataas kilay na sabi naman ng babaeng may makapal na make-up sa mukha. Barbara Lazarte, isa din sa mga Campus Princesses.






"Paanong hindi sila magugulat, lagi na uli nilang makikita ang magaganda nating mukha." nakangising sabi naman ng babaeng nakamessy bun at may makapal na lipstick. Criselda Sardea, ang leader ng Campus Princesses.






Madaming estudyante ang napalunok ng sari-sarili nilang laway. Halos lahat ng nag-aaral ng Jela Villareal University ay takot sa tatlong babaeng nakatayo ngayon sa kanilang harapan.






Nilibot ni Criselda ang kanyang paningin sa mga estudyante. Hanggang sa napatigil ito sa babaeng prenteng nakasandal sa katabi nitong bintana, nakapikit at may nakasalpak pang earphone sa tenga.






Kunot-noo siyang naglakad patungo doon sa babae which is si JC at tumayo sa harapan nito.






"Wow. I never thought that this girl, has the nerve to occupy my chair while I'm gone." nakangisi ngunit nanggigigil na sabi ni Criselda habang masamang nakatingin sa babaeng hanggang ngayon ay tulog pa rin.






"Oh no."






"This is bad."






"This is a war again."






Many of the students gasps and feel pity to JC. Lahat sila naaawa na sa kanya kahit wala pa mang ginagawa ang Campus Princesses.






JC's PoV






Napamulat ako bigla nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nag-inat ako saglit bago nag-angat ng tingin.






Agad kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng ito na nakatayo sa harapan ko habang masamang nakatingin sa akin. Second day pa lang, may makakaaway na naman ako.






Napabuntong hininga na lang ako sa katamaran. Nag-angat uli ako ng tingin sa babaeng ito bago nagsalita, "What?" tinatamad kong tanong.






Pansin kong parang ang tahimik. Nilibot ko ang aking paningin at nakitang lahat ng estudyante ay nakatutok sa amin. Nagulat rin ako nang makitang nandito ang mga kaibigan ko. Pero lahat sila ay busy sa kanilang cellphone at libro. Napatawa naman ako sa aking isipan.






"Ano?! Sino ka sa akala mo para what whatin lang ako?! Kilala mo ba kung sino ako?!" nagulat naman ako nang bigla na lang sumigaw ang babaeng nasa harap ko. Problema nito?






Kumunot ang noo ko, "Sino ka nga ba?" nakataas kilay kong tanong. Narinig ko ang mahinang pagsinghap ng mga kaklase ko at ang pagkalaglag ng panga ng babaeng 'to.






"Unbelievable! Ako? Hindi mo kilala?! Are you serious?! I'm Criselda Sardea! The leader of Campus Princesses!" di makapaniwalang sigaw niya sa akin. Napapikit ako ng mariin dahil ang sakit sa tenga.







"So? Ano naman? Anong gagawin ko kung ganon?" parang wala lang na tanong ko at humikab pa ako. Mas lalo naman siyang nainis sa akin. Nagulat naman ako nang may dalawang babae ang nagsulputan mula sa kanyang likuran. "Wow. May back ups?" nakangisi ko pang sabi. Iritang irita na siya sa akin oh. Inaasar ko pa nga lang eh.







"How dare you! Bitch!" akmang sasampalin ako ng babaeng may maikling buhok nang mapigilan ko ito. Idiniin ko ang pagkakahawak sa kanyang palad na siyang ikinangiwi niya.







"Don't tell me, sasampalin mo 'ko?" nakataas kilay kong tanong rito. Akmang susugudin ako nung kasama nitong isa na may makapal na make up nang balingan ko siya at ipinakita ang kamao ko. "Subukan mo nang makita mo ang hinahanap mo." matigas kong sabi at napaatras naman siya. Wengya. Mga duwag pala eh.







"At ikaw. " baling ko uli sa babaeng hawak ko, "Maswerte ka at nakahawak ka ng malambot na kamay." maangas kong sabi. Kita ko naman ang pagkaasar sa kanyang mukha. "Hindi mo ala---"







*PAK!*







Nabitawan ko agad ang kamay nitong babae at bahagyang bumaling ang mukha ko sa bandang kanan. Napansin kong napatigil ang mga kaibigan ko at napalingon sa gawi ko. You'll regret it kung sino ka man.







Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin na may madilim na mukha. "You slapped me." it's not a question. It's a statement. Tinaasan ako ng kilay nitong Criselda. "And you'll regret it." malamig kong dugtong at marahas na tumayo.







Nagulat siya at napaatras. "Oh? Bakit ka napaatras? Tumayo pa nga lang naman ako." nakangisi kong sabi.







"S-shut up! You bitch!"







"And you're stammering. And what the fuck did you just call me? Bitch? Oh c'mon, I thought its your nickname, not mine." nakangisi ngunit inis kong sabi.







Nang akmang aatras siya ay agad kong hinablot ang kamay niya at mabilis na sinampal siya sa mukha ng pagkalakas lakas, "That's for slapping my face." malamig kong sabi.







Pabalya ko naman siyang binitawan nang makitang paiyak na siya. "Arte ah? Tinatamad pa ko niyan pero paiyak ka na. Campus Princesses ba kamo? Pake ko?"







Akmang aalis na ako dahil naudlot 'yung tulog ko nang, "Sino ka ba?! Ano bang pinagmamalaki mo?!" hindi ako lumingon pero sumagot ako.







"Find out, stupid bitches. You're all lucky that I gave some of my golden time to the three of you." sabi ko at umalis na sa lugar na 'yon. Nakakawalang gana. Tsk!

The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon