CHAPTER 7

2 0 0
                                    





JC's PoV





Kinabukasan...





"Tara." sabi ko sa kanilang apat at nauna ng lumabas sa bahay. Pinindot ko ang car key at tumunog naman ang kotse ko.





Inilagay ko naman sa katabing seat ng driver seat ang bag ko bago umikot. Papasok na sana ako nang magsalita si Dexie kaya napalingon ako, "Let's train ourselves kaya. Malay niyo humina na pala ang reflexes at stamina natin. And that's bad." sabi niya at tinignan kami isa-isa.





Nagkatinginan kami at sabay sabay na ngumisi, "Minsan lang talaga mangyari 'to. Pagbigyan niyo na ang conyo sa grupo natin." mahinhin na sabi ni Kim kaya napailing-iling na lang ako.





"I'm not conyo kaya! You make me galit galit to you!" sigaw niya sa matinis na boses kaya nairita ako. Pumasok na lang ako sa kotse ko at pinaharurot ng mabilis patungong school





Pagkapark ay umalis na ako dun sa parking lot at naglakad patungo sa building namin





Habang naglalakad ay pinagtitinginan nila akong lahat tapos magbubulungan. Masyado naman kayong halata na ako ang pinag-uusapan niyo. Tsk!





Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako sa bulsa ko at kinapa ito. Nang makuha ay sasagutin ko na sana dahil si Dad ang tumatawag kaya lang, pinatid ako ng isang estudyante kaya napaplank ako sa sahig ng wala sa oras at ang nakakapagpainit ng dugo ko ay nakita kong basag ang screen ng cellphone ko





Rinig ko ang mga tawanan nila habang tumatayo ako. Sige, tawa lang kayo, lagot kayo sa'kin. Tignan lang natin kung makakatawa pa kayo mamaya





Tahimik kong pinulot ang cellphone kong basag bago hinarap ang taong pumatid sa akin. Ganun na lang ang inis ko nang makita ang pagmumukha ng lalaking 'to. Aba aba. Makakatikim ka sa'kin ngayon hayop ka






Habang busy siya sa kakatawa ay sinamantala ko na at binato ko ng malakas ang cellphone ko sa kanya. Saktong tumama sa noo niya kaya napaatras siya ng kaunti. Fuck you, asshole






"YOU!" sigaw niya kaya napangisi ako. May naisip naman akong kalokohan para mas mainis siya






🎤🎶By the light. Is the greatest life🎤🎶






Nakangisi kong kanta kaya mas lalo siyang nainis. Iniwan ko na siya doon habang natatawa kahit sobra akong nainis dahil nabasag yung cellphone ko. Buti nga sa'yo. Letse






Dumeretso na ako sa room at umupo sa upuan ko pagkapasok. Naabutan ko pa nga itong seatmate kong nerd eh. "Hey. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya






May mga kaklase na akong nandito sa loob pero konti pa rin kami






Tumingin lang ito sa akin at yumuko. "Aba aba. Iniisnob mo ba ko?" nakakunot noo kong tanong






Agad naman siyang umiling iling, "N-nakakatakot po kasi kayo." kinakabahan niyang sabi. The heck?






"What? Kailan pa ako naging sadako ha?!" inis kong singhal sa kanya






"N-naku, hindi po. Wala po akong sinabi na si S-sadako po kayo."






"Kahit na! Diba nakakatakot rin naman yon?" Inis ko pa ring sabi. "Wag ka ngang kabahan, hindi naman ako nangangain ng tao eh."






"O-okay." sabi niya at tumingin na rin sa wakas sa akin. Tinanguan ko siya na para bang sinasabi kong sagutin na niya yung tanong ko. "A-ahm, J-jabez Gonzaga po." nahihiya at kinakabahan pa rin niyang sabi. Umiwas agad siya ng tingin at napayuko






Pinaningkitan ko siya ng mata at agad hinablot ang salamin niya, nagulat siya at akmang kukunin sa akin nang inilayo ko ito sa kanya. Tinignan ko ng mabuti ang kanyang salamin at napagtantong wala itong grado. "Adik ka ba? Nagsasalamin ka ng walang grado? Malabo ba mata mo o display mo lang to sa mukha mo?" kunot noo kong sabi bago tumingin sa kanya






Saglit akong napatigil sa nakita ko, "Oh. Gwapo ka naman pala eh. Tapon mo na 'to." sabi ko at tinapon yung salamin niya sa labas ng bintana. Hinawakan niya pa yung kamay ko para pigilan kaya lang naitapon ko na eh. Sensya hahaha!






"Wag kang ano dyan. Mas bagay nga sayong walang salamin eh. Ba't ka ba nagsasalamin, ha?" maangas kong sabi. Well, maangas na talaga ang tono ng pananalita ko kaya masanay na kayo.






Sasagot na sana siya nang, "Tabi, dyan kami nakaupo. Shoo!" tinignan ko si Joyce na nagsabi nun at sinamaan ng tingin. "What?" maldita niyang sabi bago umupo sa tabi ko






"Kitang kinakausap pa yung tao eh." sabi ko at inirapan siya.






"Sino yung kausap mo, Jean?" tanong ni May kaya tinignan ko siya






"Ah, si Jabez? Bakit?" nakataas kilay kong tanong. Nakita ko naman siyang napahagikhik na mukhang kinikilig. Anyare sa isang to?






"Ang gwapo. Hihihihi!" kinikilig niyang sabi kaya kinurot siya ni Dexie sa tagiliran






"Landi mo teh ah?" sabi ni Dexie at inirapan siya. Inirapan rin siya ni May at binelatan kaya natawa kami. Bumaling ako kay Kim na tahimik na kumakain. Wala ng pag-asa ang isang to







"Psst! Hoy, mamigay ka nga." masungit na sabi ni Joyce at akmang kukuha ng pagkain ni Kim nang agad nitong kinuha at itinago. "Andamot ah. Psh!" sabi na lang niya bago umirap







"May pera ka kaya, bumili ka ng iyo." inis na bumaling si Joyce nang magsalita si Kim. "Bakit?"







"Anong sinabi mo?!"







"Hay nako. Hindi ko alam na bingi ka na pala ngayon. Next time, pakiinform ako para hindi naman ako outdated." mahinahon na sabi ni Kim habang busy pa rin sa pagkain







"Iniinis mo ba 'ko, babae?!"







"Huh? Hindi ah. Naiinis ka ba? Tsaka, babae talaga ako noh. Kailan pa ako naging lalaki?"







"Iniinis mo talaga akong babae ka!"







"Hala? Sabing hindi nga eh. Bahala ka dyan."







"Argh! Bwiset!"







"Huh? Sino?"







"Sino pa nga ba?!"







"Eh sino nga ba? Ikaw?"







"Baliw ka ba?! Ba't ako mabibwiset sa sarili ko?"







"Malay ko. Sarili mo 'yan eh. Ba't ako ang tinatanong mo?"







"SHUT UP!" bulyaw ko sa kanilang dalawa. Konti na lang eh sasabunutan na ni Joyce si Kim sa sobrang inis. "Wag ka ng magsalita Kim." kalmado kong sabi. Inosente naman siyang tumingin sa akin







"Huh? Bakit naman? May batas na bang 'wag magsalita?"







"Just shut up!" inis kong sabi. Kaistress. Nyeta







"Okie." sabi niya na lang at pinagpatuloy ang pagkain ng marsmallow at apple. 'Di ko rin alam kung anong trip neto sa buhay eh. Hay nako.

The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon