CHAPTER 3

10 0 0
                                    




EZEKIEL's PoV




"Pre, ano ba ang nangyari? Bakit may dugo ka sa ilong tapos nakahiga ka pa kanina? Bakit may tapon ng ulam 'yang damit mo? Baki---"




"Pwede ba? Isa-isa lang?!" inis kong putol sa dapat na sasabihin ni Miguel. Narinig ko naman ang mahinang hagikhik ni Lance pero hindi ko pinansin. Si Eugene, ayon dedma pa rin.




"Woah. Chillax lang." natatawa niyang sabi kaya mas lalo akong nainis. "Sagutin mo na lang 'yung mga tanong ko." dugtong niya kaya napabuntong-hininga ako.




Isinalaysay ko lahat lahat ng nangyari kanina sa canteen. Nandito na si JC sa classroom pero alam ko namang wala siyang maririnig. Kaya pala hindi niya narinig 'yung sigaw ko kanina kasi nakaearphone. Tsk!




"Eh loko ka pala pre eh! Sino ba kasing nagsabi na tulungan mo siya?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin bago sumagot ng nakakunot-noo.




"Wala!"




"Oh? Wala naman pala eh. Alam mo pre, minsan talaga pakielamero ka rin eh." inis akong napalingon sa kanya at muntik ko na talaga siyang mabatukan. Ako? Pakielamero?




"Anong sinabi mo?!"





"'Woah. Highblood ka kaagad eh. Intindihin mo kasi 'yung sinasabi ko sa'yo." sabi niya kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. At ako pa talaga ang mali ah?





"Ganto lang kasi 'yan eh, bakit mo ba siya tinulungan kahit hindi naman niya hiningi ang tulong mo? Okay, sabihin nating hindi ka pakielamero, pero bakit mo nga siya tinulungan?" kunot-noo akong napabaling kay Lance na kanina ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin. Anong pinapalabas niya?




"Hoy! Wala akong gusto sa babaeng posporo na 'yan! Hah! Asa siya! Ang gwapong katulad ko? Magkakagusto sa posporong katulad niya? No way!" 'di makapaniwalang sabi ko.




Nagulat ako ng humagalpak sila ng tawa. Pero sinamaan ko sila ng tingin kaya napatigil sila. Pero kita mo pa rin ang pagpipigil nilang tumawa. Ano bang nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?




"Nako pre. Masyado ka naman atang defensive." pang-aasar na sabi sa akin ni Miguel.




"Ako? Defensive?! Hindi ako defensive!"




"Hahahahaha! Pre naman, wala naman kaming sinasabing gusto mo siya eh. Tsk! Tsk! Tsk! Napaghahalataan ka masyado pre eh. Hahahaha!" pang-aasar rin ni Lance at nag-apir pa talaga 'tong dalawa. The fuck?




Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya ipinilig ko na lang ang mukha ko sa katabi kong bintana. Oo nga naman, wala naman silang sinabi na gusto ko 'yung posporo na 'yun. Tsk! Minsan ang bobo bobo mo talaga, Ezekiel!




"I'm a playboy, dude. At tandaan niyo na ang isang tulad ko ay hinding-hindi magkakagusto sa kahit na sinong babae." inis kong sabi sa kanila






JC's PoV





"A-ahm, Miss JC. U-uwian na po." agad akong napadilat nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin. Tinanggal ko ang nasa kanan kong earphone bago kunot-noong tumingin sa babaeng kumalabit sa akin. "U-uwian na po." kinakabahan niyang sabi bago kumaripas ng takbo palabas.





Napakunot lalo ang noo ko. Anong problema ng isang 'yun?





Umiling-iling na lang ako bago tumayo tsaka nag-inat. Hay. Ang sarap talagang matulog.





Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko. Inilagay ko uli ang earphone ko habang naglalakad palabas ng room. Hmm... Ano kaya pwedeng gawin?






Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko naman ito palabas ng school. Napagdesisyunan ko na umuwi na lang sa bahay tutal pagod na rin naman ako.







*********






Agad kumunot ang noo ko nang makita ko ang apat na kotse sa labas ng bahay. Puro sports car siya katulad ng akin. Pamilyar sa akin ang mga kotseng 'yan. May bisita ba kami?







Nilock ko muna ang pinto ng kotse ko bago pumasok sa loob ng bahay.







"AYO! JEAN!" agad akong napatingin sa apat na babaeng nasa harapan ko. Nakangiti ng malapad at may suot-suot pa silang party hat.







"What are you doing here?" inis at may diin kong sabi. Nagkatinginan silang apat at biglang kumaripas ng takbo habang tili ng tili. "Bumalik kayo rito!" inis kong sigaw at hinabol sila.









*********









"Bakit nga kayo nandito?" tanong ko na naman uli sa kanilang apat. Bwiset! Napagod ako sa kakahabol sa kanila ah?









"A-ahm. Kasi ganito 'yan." napalingon ako kay Joyce nang magsalita siya. "Hah! Sa tingin mo papayag kaming iwan mo lang dun sa Japan?! No way!" biglang sigaw nito kaya nagulat ako. Sumang-ayon naman ang tatlo sa kanya. Tumingin uli siya sa akin pero this time, nakataas na ang isa niyang kilay at matalim na nakatingin sa akin.








"What?" irita kong tanong at humiga dito sa sofa. Mas lalo namang sumama ang tingin nila sa akin. The heck? Anong problema nila?








"What whatin mo mukha mo! Che! We need an explanation! We deserve an explanation!" sigaw pa rin niya at talagang iritang irita na ako sa boses niya.








"Ano naman ipapaliwanag ko?" bored kong tanong. Tumingin ako sa kanila at kagaya kanina, masama pa rin ang tingin nila sa akin.








"Bwiset ka! Bakit mo kami iniwan ha?! Dun sa Japan?!" sabat ni Dexie.








"At bakit hindi ka man lang nagpaalam ha?! Alam mo bang halos hindi kami mapakali nung bigla ka na lang nawala na parang bula?!" sigaw rin ni May








"Tsk! At hindi ka man lang nag-iwan ng pagkain." lahat kami ay napalingon kay Kim dahil sa kanyang sinabi.








"The fuck?" react ni Joyce.








"Tsk! Yaan niyo na 'yang isang 'yam. At kung gutom ka na naman," baling ko uli kay Kim. Tumingin naman siya sa akin ng inosente. "May pagkain doon sa fridge ko, kumuha ka na lang." asar kong sabi. Wala naman siyang naging reaksyon pero tahimik lang siyang tumayo at tumungo sa kusina. Napanganga ako dahil don. Wengya, hindi man lang nagthank you.








"Eherm. Iniwan ko kayo sa Japan dahil lumipad ako papunta rito. And hindi ako nagpaalam sa inyo kasi tinatamad ako. Okay na?" tinatamad kong sabi at tinumbs-up-an ko pa sila. Napanganga naman sila sa narinig kaya napangisi ako.









Papikit na sana ako nang biglang, "EH BAKIT HINDI MO KAMI SINAMA?!" sabay sabay nilang sigaw kaya inis akong napamulat ng mata. Padabog akong umupo bago sila sinamaan ng tingin. "Oooopss, sarey, okay? Sarey." mas lalo akong nainis dahil sa bwiset na accent ni May.








"Tsk! Do you relly need to shout?! First, you don't have an appointment to come herewith me. Second, you didn't ask me. And last, you're in a vacation. Hindi ko na pinaalam sa inyo dahil alam ko naman na malalaman at susundan niyo ako rito." asar na asar kong sabi at humiga uli.









"And one more thing, naienroll ko na kayo sa pinapasukan kong school kaya talagang mag-i-stay kayo rito. Ginusto niyo 'yan eh." nakangisi kong sabi sa kanila habang nakapikit.








"WHAT?!"








"Ano meron?" mahinahong tanong ng kararating lang na si Kim. Sabay sabay silang nagreklamo kay Kim kaya sinalpak ko na lang ang earphones ko sa tenga. Bala kayo dyan

The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon