vulnerable

1.4K 30 0
                                    

A Heart can always find its way to make you feel things you thought that books could only describe. It is the only organ in our body that stand as a reminder that we are not just made for thinking and working humans.

-jurie

Nagising ako sa tunog ng phone ni Marco..

Tulog na tulog pa ito habang nakayakap sa akin..

Napangiti ako , ang cute nya talaga matulog ..

Muka syang bata..

Muling nagring ang phone kaya inis kong dinampot iyon sa paraang hindi ko magigising si Marco.

Napatigil ako nang makita na nagregister sa screen ang pangalan ni Kris.

Bakit nga ba nawala sa isip ko si Kris , at ang batang nasa sinapupunan nya..

Gusto kong umiyak sa oras na yon,

nakalimutan ko lahat dahil sa sobrang saya ko na kahit papano ay naaalala na ko ni Marco ..

Bago ko pa man mapigilan ang pagkawala ng hikbi ko ay nagising ko na si Marco..

Nagaalalang tumingin sya sakin at nalipat sa cell phone na hawak ko..

Hinawakan nya ang kamay ko bago sagutin ang tawag na yon..

Hindi nya inalis ang mga titig nya..

" anong sabi ng parents mo? Wag ka nang umiyak please makakasama sa baby yan.."

Baby.. isang mahalagang dahilan na hindi ko maaalis sa isip niya.

Inipon ko ang lakas ng loob ko at bumangon sa kamang iyon.. Bitbit ang bag at jacket ko.

" tatawagan kita mamaya, "

Putol ni Marco sa tawag nito.

" Elizabeth!"

Sigaw nya sakin habang hinahabol ako palabas ng kwarto niya.

Naabutan ko pang nagaalmusal sa dining area ang pamilya ni Marco.. nagaalalang tingin ang ibinaling nila sa akin..

" uwi po muna ako.."

Paalam ko na halos pumiyok ako dahil sa nagbabadyang pagpatak muli ng mga luha ko.

Di ko na naantay na sumagot ang mga ito dahil nagmamadali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi..

Mugto ang mga matang bumaba ako sa taxi ..

Hindi ko namalayang may mga nakatayo sa harapan ng gate ng apartment ko.

Napatigil ako sa pagpapahid ng mga luha ko.

"A-anak.."

Nagaalangang tawag sakin ng mommy ko.

Walang salitang pinagbuksan ko sila ng pinto papasok sa apartment ko..

Tahimik kami habang nakaupo sa sala..

" kamusta ka na anak?"

Nagaalalang tanong ni mommy sa akin.

Tiningnan ko sya sa mata,

Wala na yung dating tingin nya sakin na nagagalit sat wing makikita nya.

Nakalimutan ko , its been two years simula ng umalis ako sa bahay at hindi na muling umuwi.

" okay lang ako."

Tipid na sagot ko matapos ilipat ang tingin sa centre piece ng lamesa ko..

" we are planning to leave for Australia for good.."

Pagsingit ni daddy sa usapan.

This time i saw daddy's teary eyes..

" we want you to come with us.."

Mapait ang ngiti ko..

" may choice ba ko dyan o pwersahan nanaman yan?"

Sagot ko.

" we are asking you this time ,please anak kung may misunderstanding tayo bago ka umuwi ng Pilipinas two years ago sana kalimutan na natin yon. Matatanda na kami para pagmatigasan ka, gusto ka lang naming makasama hanggat malalakas pa kami ng mommy mo pero kung si Marco parin ang pipiliin mo maiintindihan ka naming dahil kailangan ka din nya. "

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at hinalikan ang noo ko.

" talaga bang wala kayong dahilan na magstay dito sa Pinas?"

Alanganing tanong ko.

Umiling si Daddy,

" Nasa Australia ang buong pamilya natin, are source of income, our life is in there, but I know that you found yours here."

Right there, i just break down like a little girl. Atleast narealize nila na hindi childish yung decision ko nung pinili ko silang takasan at umuwi dito. I found my happiness here and it will always be the reason why I will be coming back.

" i'll give you reasons to stay here for a little more time."

Amnesia Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon