under skies

1.4K 26 0
                                    

"naaalala mo na ba talaga ako?"

Tanong nya ng makarecover.

"hindi pa lahat."

Malungkot na sagot ko.

"alin lang ang naaalala mo?" seryosong tanong nya.

Napangisi ako at bahagyang nagisip.

'yung patay na patay ka sakin nung college tayo na niligawan mo pa ko dahil kamo sambang samba ka sa kagwapuhan ko-------ARAY!ARAY naman!"

Reklamo ko kahit na natatawa ako sa paghampas nya napakabrutal talaga ang bigat ng kamay. Nakitang nagdadrive ako eh.

" sana wala ka na lang naalala peste ka! Mas matino ka pang kausap nung may amnesia ka"

Humalukipkip sya ..

Pero bakas sa muka nyang naiiyak sya. Maya maya ay niyakap nya ko.

" pero sorry Marco.."

Bakas sa tono nya na lungkot na lungkot sya.

"bakit ka naman nagsosorry?"

"pumayag na kong magpakasal kay Charles ."

Bigla akong napapreno at hindi man lang binigyang pansin ang nagbubusinahang mga sasakyan na kasunod namin sa hiway.

"HOY MAGPAPAKAMATAY BA KAYO! WAG NA KAYO MANGDAMAY KUNG BALAK NYO!"

Sigaw ng nagover take na driver ng kotse.

"magpapakasal ka talaga sa PUTLAING lalaki na yon?" galit na tanong ko.

Itinabi ko sa shoulder ang sasakyan ko.

'oo"

Hindi sya makatingin sa mata ko ng balingan ko sya ng tingin.

"humarap ka sakin, ako ang mahal mo dib a?"

Hindi sya sumagot bagkus ay kinuha ang phone nya..

" may ipagtatapat pa ko sayo"

Sagot nya pero bigla nya kong pinicturan at lalo akong naguluhan..

" joke lang yon HAHAHAAHAHAHAHAHAHA!!! Gravy ang epic ng itsura mo oh! HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Gusto kong mapikon sa babaeng to kahit kailan napakawrong timing magbiro , talagang nakuha nya pang magbiro habang nagdadrive ako. Sira ulo talaga. Tsk.

Naputol ang pagtawa nya ng dampian ko sya ng halik sa labi at yakapin ng mahigpit.

Tulala sya non..

At may narinig na lang syang shutter sound .

At ako naman ang tumawa ng tumawa..

It feels so good having this moment with the only girl that makes my heart stop its beat whenever she smile or laugh or even by just staring at me.

Amnesia Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon