silent night

1.7K 28 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa bar ay hindi na ulit nagpakita si Kris kay Marco..

Alam kong nagtetext parin sya kay Marco pero dinededma na lang sya nito..

Ngayong araw ay sinundo ako ni Marco sa isang pictorial namin..

"Oh my gosh! nagising na pala sya Iza!"

lumapit sakin ang kasamahan kong photographer na si Mimi..

Alangan ang mga ngiti ko ng lumapit si Marco sa amin para tulungan ako sa pagbubuhat ng ilang mga bag ko.

" Kaya naman pala hindi ka umalis sa tabi nya kasi ang lakas parin ng appeal!"

kinikilig na biro ni Mimi..

" Im Marco and you are?"

pagpapakilala nito..

kumunot ang noo ni Mimi..

"hindi mo ko natatandaan?Seriously Marco Fernando!"

gulat na gulat na tanong ni Mimi.

"sya si Mimi, wait lang best ha"

sabay hatak ko palayo kay Mimi..

Dinala ko sya sa malayong parte ng resort..

nagtatakang tumingin sya sakin..

" anong best! bakit best na ang tawagan nyo?"

"Hindi nya ko matandaan at kahit na ano o sinong tao na konektado sa akin Mi.."

malungkot kong sagot sa kanya..

bakas ang pagkabigla sa itsura nya..

" so you mean ang alam nya Bestfriend ka talaga nya!?"

halos sigawan nya ako..

" oo, next time sasabihin ko na kapatid nya ko."

sabay tawa ko..

naiiling sya sa katotohanang kahit ako mismo ay nalilito..

binalikan ko si Marco at nakitang bitbit nya na lahat ng mga gamit ko..

" Ok lang ba kayo?para kayong nagaaway kanina.."

usisa niya noong papasok na kami sa kotse nya.

"oo medyo inilayo kita dahil natype-an ka kasi hahaha"

"ganon talaga gwapo ako eh.."

sabay tawa..

ginulo ko ang buhok nya..

bago kami pumunta sa favorite resto namin..

" masarap ba dito?"

tanong nya pagkatapos naming umorder ng carbonara.

" oo naman kasing sarap ko magmahal "

sagot ko habang nakatitig sa mata nya..

ngumiti sya at hinalikan ang noo ko..

"uyy si ma'am at si sir Marco walang kupas yung sweetness "

biro ng isang waitress habang siniserve yung order namin..

" bagay b kame? "

nakangiting tanong ni Marco..

napatitig ako sa kanya..

tumango yung waitress at iniwan na kami..

kumindat pa si Marco..

"kumain ka na dyan kundi uubusin ko pati yan.."

banta nya..

pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa tabi ng isang park..

"dito ka ba palagi best?"

tanong nya habang nakaupo kmi sa hood ng kotse nya..

"oo, araw araw ako pumupunta dito dahil may hinihintay ako."

salubong ang kilay na tumingin sya sakin..

"sino? yung nagpaiyak sayo nung gabi sa park?"

"oo,nangako syang pupuntahan nya ko kaya nga inaantay ko parin sya."

"ganon mo sya kamahal best? nameet ko ba sya bago ako naaksidente?"

lumapit pa sya ng bahagya..

"hindi, at baka nga hindi na kayo magkakilala kasi baka hindi na rin nya ko balikan.."

alam ko sa gilid ng mga mata ko tinititigan nya ko..

"malilintikan sakin yang lalaki na yan"

galit na sabi nya bago hinawakan ang kamay ko..

"tara na , ako muna mahalin mo ngayon love ako bahala sayo wag ka magalala.."

ngumiti sya sakin at pinagbuksan akong pinto.

halos magwala sa kaba at excitement ang puso ko sa sinabi at ginawa nya.

Amnesia Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon