If i cry a thousand tears

1.5K 32 0
                                    

Nasulit ang tatlong linggong natitirang bakasyon ko mula ng maaksidente..

at sa kagagawan yon ni Iza..

bukod sa araw araw ko syang hinahatid sundo sa trabaho nya,sabay din kami palaging kumain ng almusal at hapunan.

Pinangatawanan ko yung sinabi ko na ako muna ang mahalin nya---------AND I FIND MY SELF ENJOYING THE MOMENT.

kung hindi ko lang sya bestfriend baka matagal nang nahulog ang loob ko sa kanya,kahit matakaw,hyper,madaldal, at may mga times na ang weird nya..bigla biglang yumayakap at iiyak sasabihing wala lang yon..

"Ser una na po ako"

paalam ng isa sa mga tranee sa plantation na pinagtatrabahuhan ko bilang chief engineer..

paminsan minsan nalilito ako sa mga pangalan ng katrabaho ko epekto marahil ng aksidente..

ngayong araw ay napakadaming trabaho,nakalimutan ko na tuloy maglunch,

chineck ko ang cellphone ko at nakitang nagtext pala si Iza ng 2:14 pm , eh 7pm na


Iza ko:

love wag mo ko sunduin OT ako

ingat ka sa pagdadrive papakasalan mo pa ko :* 


Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko pagkabasa ng text na yon,ang sweet talaga 

Naglakad ako papunta sa parking lot habang ibinubulsa ang cellphone .


"Marco.. "

tawag sakin ng isang babae..


alam ko matagal na kong gwapo pero yung hanggang dito ba naman sa trabaho.. TSK TSK..


Nilingon ko yung tumawag sakin at napahinto ako bigla sa tapat ng kotse ko.

"Marco I need to talk to you.."

hindi ako umimik..


"Please say something .."

halos umiyak sya habang papalapit sa akin..


--------------------------


Maaga akong pumunta sa apartment ni Iza kinaumagahan..

Isang lalaki yung inabutan ko sa harapan ng gate nya nakatitig sa pintuan..  Disente naman yung pananamit ng lalaki halatang may kaya.


"may kailangan ka pre?"

tanong ko nung makalapit ako.


Halatang nagulat sya sa biglaang pagsulpot ko..

"w-wala.."

sabay nagmamadaling sumakay sa isang kulay black na Ford Edge..


NAgtatakang dumiretso akong pumasok sa apartment tutal at may susi naman ako..

Nakalimutan ko yung lalaki kanina ng madatnan kong nakapanjama pa at kalalapag ng mga hotdog at bacon sa lamesa.. nakamessy buns ang buhok nya sa lahat ng babaeng nakita ko, sa kanya lang ako nasexy-han kahit balot na balot sya..


"Ganda ko noh?"

nangaasar na bungad sakin ng nakangising si Iza..

magsasalita na sana ako..


"Hep!hep!hep! maupo ka muna at gusto ko na kumain, maya ka na magtanong at antok pa utak ko"

nakastop sign pa yung kamay bago lumapit sakin at hilahin ako sa tabi ng dining table.


"Kain na dali.." masayang utos nya..


Bago pa man ako matapos sa almusal namin ay nagsalita na ulit sya..


"Sa Kusina de Susi mo ko sunduin mamaya ha?"


"Wala ka bang trabaho ngayon?" takang tanong ko napakaweird nya kasi ngayong umaga dahil usually sa labas kami kumakain at hindi sya nagluluto.


"I took my day off , so free your evening ,kay?"

humalik sya sa gilid ng labi ko at pumasok sa kwarto nya..


naiwan ako para magligpit at hugasan ang mga pinagkainan natin..


-------------ang talino talaga nung babae na yun iniwanan pa ko ng gagawin.





bago ako umalis ay kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto nya..


"love pasok na ko sa trabaho ko"

paalam ko.


"ingat sa pagdadrive! papakasalan mo pa ko.."

lumabas sya sa kwarto at pinatong yung mga braso nya sa balikat ko at hinalikan ako malapit sa labi.

parehas lang kaming ngumiti at nagyakap pa ng ilang minuto.


Bago ako umalis ay siniguro kong nakalock ang pintuan at gate.



Amnesia Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon