Starlight starbright

3.9K 42 0
                                    

  Isang napakaliwanag na ilaw ang huli kong naalala bago ako napatulala sa madilim na kalangitan,napakaraming bituin,

marahil napakasayang panuorin ang mga yon habang nakahiga sa damuhan at may malamig na hanging dadampi sa mga balat..

Gusto ko pa sanang titigan ang mga iyon pero sadyang mabigat ata ang talukap ng mga mata ko..

parang antok na antok ako na para kusang mapapikit ang mga ito, unti-unting humina sa pandinig ko ang mga sigawan na kanina ko pa naririnig..

" Marco? " isang malambing na boses ang una kong narinig pagdilat ng mga mata ko..



Masyadong maputi at maliwanag ang paligid dahilan para mahirapan akong dumilat..

Isang nakangiting nurse ang una kong nakita.. napakaganda ng ngiting yon umatras sya para bigyang daan ang mga kasamahan nya..

pagkatapos noon ay biglang yumakap sakin.. magiisang linggo na simula noong nakita ko si Nurse Kristella..pero naiisip ko pa din sya..



"Marco!"



maluha luhang bungad sakin ni Elizabeth or Iza for short, ang bestfriend ko..sigaw nya parin kahit magkatabi na kami sa ibabaw ng hospital bed..

minsan nagtataka nga ako kung paano ko napagtiisan ang eskandalosang babae na ito.

"Papatayin mo ba ko?"

natatawa kong bungad kay Iza..

"Oo pag hindi ka pa nakalabas ng ospital na to"

ganting biro nya..

hinagilap ko si Nurse Kristella kung nasa paligid sya..

"Huy nakikinig ka ba?"

untag sakin ni Iza na kanina pa pala nagsasalita..



kumunot ang noo ko..

"as i was saying ,nagprepare kami para sa home coming mo kaya hindi kita masasabayang umuwi ha?"

bakas sa muka nya na nagaalangan sya..

" ok lang yon basta sarapan nyo mga pagkain ha?"

pagkatapos noon ay ginulo ko ang buhok nya..



" Oo ba! babawe ako sa foods !"

tuwang tuwang sabi nya.

Sa totoo lang ang cute nitong bestfriend ko lalo na pag nakangiti..

There's something about her na kapag tumawa ay mahahawa ka-----mapapatawa o mapapangiti ka,napakajolly nya at very optimistic nya sa lahat ng bagay,well base yun sa observation ko simula ng magising ako.

She was right there at the side of the bed,unang beses ko syang nakita ay hindi ko sya maalala.. Maga ang mata nya,halatang pagod na pagod at walang tulog , but then she smiled ng makita nya kong nakatingin sa kanya.

Sila mama at kuya ang sumundo sa akin sa ospital.

At gaya ng sinabi ni Iza naghanda sila ng Home coming party para sa akin nandoon ang mga kaibigan ko, may ilan pa nga sa kanila na bahagyang naiyak noon,pakiramdam ko tuloy ang tagal kong hindi umuwi.

Amnesia Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon