Ikaw

583 3 1
                                    

Hindi mo ba nakikita ang nakasulat sa aking kamay
Ipinalagay ko yan dahil..dahil ayan..ayan ang tawag mo saakin noon
Pero bakit?
Bakit ngayon gusto ko ng tanggalin?
Bakit gusto ko na ng kalimutan na tinawag mo ako na 'bebe'?

Parang gusto ko ng kalimutan ang lahat! Lahat lahat dahil masakit.
Masakit nang isipin na yung mga araw na ikaw lang ang iniisip ko
Siguro nga masyado akong naging tanga!

Pero..nag bigay ka kasi ng dahilan para mahalin ka!
Andaming tanong sa utak ko na..na hindi ko masagot

Crush lang naman kita diba?
Bat kita iniyakan?
Mahal na ba kita?

Siguro nga..
Siguro nga mahal na kita, minahal kita kahit sa konting panahon
Gusto ko pang ipagpatuloy ito ngunit ikaw na rin nag sabi na tama na.

Wag na akong umasa kasi masasaktan lang ako
Nung sinabi mo ang mga katagang yan parang gumuho ang mundo ko..yung mundo kong puro ikaw ang nandoon

Siguro nga kasalanan ko na minahal kita na dapat hindi!
Siguro nga dapat ginawa ko ding biro ang pag tawag mo saakin ng bebe ang pagiging sweet mo

I never felt this way before.
Ayoko na! Tama na!
Mga salitang gusto kung panagutan ngunit di ko magawa
Yang mga ngiti mo, pag titig mo sa aking mga mata
tumitiklop ako bigla!

Gusto ko ng kumawala sa mundong iyon
Pero gusto pa din kita mahalin kahit di mo na suklian
Tanga na kung tawagin pero wala akong magagawa kung ikaw ang sinisigaw ng puso ko.

Kaya sana sa araw na mahalin mo ako sana wala pa akong mahal na iba..
Sana mahanap mo sya sa tamang oras at panahon wag mong sasayangin yun

Minahal kita at nasaktan mo ko tama na siguro yun ayoko ng sabihin ang iyong pangalan dahil mas masasaktan lamang ako.

Tulang MakahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon