Siya

157 2 1
                                        

Siya na mahal mo
Siya na gusto mong ligawan
Siya na maganda sa iyong paningin
Bakit siya na lang lagi?

Ano bang meron sa kanya?
Maganda siya, kahit hindi?
Ang daming tanong diba?
Ang gulo mo kasing tao..
Bakit?

Ano bang kasalanan ko bakit biglang may siya sa iyong buhay?
Mahal ka rin ba nya?
Gusto ka rin ba niya?
Andito naman ako..

Di pa ba sapat na araw araw kong maramdaman na di mo ako gusto?
Siya ba nararamdaman yung sakit na dinaranas mo?

Kase ako oo..alam ko panong masaktan ng paulit ulit
Alam ko pano mag mahal kahit masakit
Ayokong isipin na sana ako na lang siya

Para mahal mo rin ako,
Kaso ayoko.. Ayoko na saktan kita katulad ng ginagawa niya sayo
Ayoko na paasahin ka katulad ng kung paano mo ako pinaasa
Nasaktan ka?
Saktan mo din ako
Siya na sana yung pinakamasayamg tao kaso sinaktan ka rin niya

Tulang MakahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon