Ikaw pa din

118 1 1
                                        

Ikaw pa din pala ang gusto ko
Ikaw pa din pala ang nilalaman ng puso ko
Kung titigan mo ko parang ako lang ang tao sa room na yun
Ikaw kasi..
ano bang meron ka na wala sa iba?

Mahirap aminin pero totoo
Ikaw pa din ang gusto ko
Siguro ikaw lang din ang taong gugustuhin ko
Tanga na yata ako?
Tanga na talaga ako,
Ilang beses mo na kong sinaktan

Pero ano?
Nandito pa din ako patuloy na nag mamahal sayo
Kahit na..
Wala ng kasiguraduhan
Madaming mamaganda sa paligid mo
Malamang may pamalit ka nanaman

Hirap pala pag walang label
Hindi mo alam kung saan ka lulugar
Hindi mo ba naiisip anong mararamdaman ko?

Gusto kong magalit sayo
Pero yun ang di ko kaya eh
Ang magalit sayo ng matagal
Di ko kaya mag tanim ng galit sa taong mahal ko

Kase di mo na nga ako gusto
Magagalit pa ako sayo
Iisipin ko pa ba na baka iwan mo ko?
Wala namang tayo
Kaya hindi na lang ako mamagalit

Ikaw ang gusto ko hanggang ngayon
Sana alam mo yun
Ikaw ang natatanging tao na nagustuhan ko
At pinag laban kita kahit hindi naman talaga dapat
Kase ikaw yung gusto ko eh may magagawa ba ako?

Tulang MakahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon