May tayo ba?
Naging tayo ba?
O baka iniisip ko lang na may tayo?
'Tayo' salitang di mo alam kung ilan ba kayo..ngunit kadalasan ito'y pang dalawahan lamang
Sa salitang 'tayo' pwede kayong tatlo,apat,lima o higit pa
Pero..bakit pag ako nag sabi ng 'tayo' parang mali
Maling sabihin sa harapan mo na 'tayo'
Ang tayo ay di lang nangangahulugan na ikaw at ako
Pero.. Kung sakaling dadating ang araw na may tayo na namamagitan saatin..
Huwag mo sanang isipin na marami tayo sa salitang 'tayo'
Puwedeng ikaw at ako lamang
Parang sa istoryang aking nilikha
Na tayong dalawa ang bida
Sana isang istorya na lang tayo para halata mo sa huli ay tayo pa rin
Ikaw at ako..ay di pwede dahil mahal kita at di mo ako mahal
Ikaw na di mo ako mahal
Ako na nag kakandarapa
Tayo na walang ikaw at ako.
Na sa isang istorya ko lang mangyayari
