Tagu-taguan

98 1 1
                                        

Tara tayo'y mag laro ng tagu-taguan
Sino ba ang taya?
Sige ako na ang taya para sayo
Pinikit ko ang aking mga mata
At nag simula ng mag bilang.. 1,2,3

Isa..isang hakbang ko pa lang hinahanap na kita
Dalawa.. Sa ikalawang hakbang ko sinisigaw ko na ang iyong pangalan
Tatlo.. Tatlong hakbang at tatlong beses ko ng sinisigaw ang pangalan mo

Asan ka na ba?
Saan ka ba nag tago, sa bawat sulok
Hinahanap ka na para bang di ka na
Babalik muli

Ayoko na maging taya
Laging sumusugal sa pagiibigan na wala namang kasiguraduhan
Nasaan ka na ba?

Hinahanap ka na ng mga mata ko
Hindi mapakali kung saan ka hahanapin
Sinisigaw ang mga pangalan mo
Nagbabakasali na lalabas ka na

At hinanap ka hanggang sa mapagod
Saan ka ba kasi nagtago?
Sa lugar ba na hindi kita makikita
O sa puso niya para di kita mahagilap

Sa wakas nag pakita ka na
Ang sabi mo di mo na kayang magtago
Naiinip ka na at gusto mo na ikaw na ang taya
Wala akong nagawa kaya ako naman ay nagtago

Sa pag tatago ko na hindi kalayuan
Parang pag mamahal ko sayo
Sana mapansin mo na mahal kita
At hindi ko na kailangan magtago sa pinaka sulok

Sinisigaw ang aking pangalan
Na para pang desperado ka ng makita ako
Hinayaan kita, dahil gusto ko ikaw mismo
Ikaw mismo ang makahanap sakin

Nahanap mo na ako. Mga ngiti sa iyong labi na aking ikinatuwa
Nag aalala na para bang ako'y nawala
At tinanong saan ka ba nag tago?

Gusto kong sabihin na sa di madilim na lugar
Ganyan na ba kalabo ang iyong mga mata
Na kahit napakalapit na nga hindi mo pa din ako makita
Nasa harap mo na ako bakit nag hanap ka pa ng iba

Sinabi ko naman sayo na handa akong
Sumugal para saating dalawa
Kaya pinag bilang mo ko ng isa hanggang sampu
Nagmamakawa ka na mag bilang ako kaya sige

Sa bawat bilang ko binigyan ko ng kahulugan
Isa..Isaac nakikita mo ang gusto kong iparating sayo?
Dalawa.. Dalawang salita na gusto kita
Tatlo.. Tatlong beses kong pinaulit ulit sayo
Apat.. Apat na salita na muling nabuo may pagasa ba ako
Lima.. Limang araw akong naghanap ng tamang oras na sabihin sayo
Anim.. Anim na salita na handa ko ng sabihin
Pito.. Pitong oras kung inisip mabuti
Walo.. Walong oras ang pinalagpas ito
Siyam.. Siyam na bagay ang pumigil saakin na sabihin sa iyo
At sa ikasampu.. Sa wakas na buo ko na ang salita na gusto kong sabihin sayong gusto kita, sana maniwala ka

Sa pagbilang ko mula isa hanggang sampu
Nais ko kong sabihin na sana
Malaman mo ang gusto ko iparating sayo
Hindi ka naman bulag para di makita ang bagay na yun
Ang bagay na aking iniingatan

A/N: Hi to all my readers, itong tulang ginawa ko ay dedicated sa isang tao na kung nabasa nyo that I mentioned someone. Para sana sa kanya to well in advance happy 3rd monthsary! Samin?


Tulang MakahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon