Akala ko tapos na?
Hindi pa pala tapos ang laban
May laban pa pala ako.
Tama ba narinig ko?"Ika'y iibigin ko
hanggang sa huli"
Hanggang sa huli ba
ay tayo padin?Akala ko ayaw mo na?
Akala ko may iba ka na?
O bakit narito ka pa din
Diba dapat wala ka na sa
Aking tabiPuro akala na lang ba ako?
Hanggang akala na lang ba?
Hindi na ba pwedeng sa susunod
Ay..
Oo nga?
Balang araw puro oo nga ang sasabihin koOo nga tama ako..
Hanggang akala na lang
Dahil sa huli
Ang iyong mga sinabi..
Mga matatamis na salita
Mga mapang akit na salita
Na lumalabas sa iyong bibig
Ay hanggang doon na langHanggang akala na lang lahat ng yun
Sapagkat ang salitang iyon ay
Sinabi mo na rin
Sa mga babae mo.Handa naman ako sa mga maling akala ko
Pero masakit pala
Pag deretso sa puso mo
Hindi nga eh tagos pa
Dahil sa sariling
Katangahan ko ako'y
Nalunod.Sa mga maling akala ko
Puso ko ay nalulunod sa mga
Masasakit na sinabi ko
Sa pag tiwala ko sayo
At sa mga panahon na ako'y umaasa
Na sana hindi lang hanggang akala iyon.
