Apat na Taon

95 1 1
                                    

Ayoko ng ganitong pakiramdam
Na muling babalik kung kailan
Kaya ko na..ayoko ng ganito.
Patawad isip, binigo nanaman kita sa ikaapat na beses

Tanga na ba ang matatawag mo sa
taong nag mamahal na ng apat na taon?
Sa taong kahit kailan di ka magugustuhan?

Puso na makasalanan,
Panaginip na muling nag payanig sa
nanahimik kong isip at puso.
Makasalan kang panaginip

Pag ba sinubukan ko ulit mananalo na ako?
Pag ba sumugal na ako ulit papansinin mo na ako?

Gusto kita makilala ng lubusan
Hindi lang sa mga nakikita ko kapag
Kasama mo ang kaibigan mo at mga nakakasalamuha mo lang
Gustong gusto kita makilala kahit na wala akong kwenta.

Gusto na kita makita..
Namimiss ko na mga ngiti mo kahit na hindi para saakin yun.
Mahal na kasi kita kaya sorry.

Patawad kasi minahal kita kahit di mo alam
Minahal kita ng apat na taon!
Hindi pa ba sapat yun?
Kailan ba ako magiging sapat sayo? Kapag ba sumuko na ako di mo ko pipigilan?

Pinipigilan kong hindi muli mahulog sayo, dahil di naman tayo nagkikita bat kita mamahalin ulit.
Nasasaktan na ako ng di mo alam kasi di mo naman talaga makikita yun tinatago ko sa mga ngiti ko.

Siguro matatawag mo na akong  tanga sa pag-ibig.
Pero yung pag-ibig na yun..yun ang gusto ko na mula sayo at hindi mula sa ibang tao.
Ikaw ang kulang sa buhay ko na gusto kong mabuo pero di ko magawa dahil ayoko na mag makaawa.

Hinayaan kita na sana makita mo yung ginagawa ko para sayo. Sana nakikita mo yun o nararamdaman mo yun.

Sabi nila gawin ko lahat ng yun di para sa iba kung di para sa sarili ko na aking buhay. Pero pano kung kalahati ng buhay ko ay ikaw?
Paano kung lahat ng ginagawa ko para maabot kita ay para sayo.

Hindi ko pinilit ang sarili na mag top ginawa ko talaga yun na nagbabaka sakali na sa mga bagay na yun mapansin mo na di ako bobo, na may utak din ako.

Sinusubukan ko na abutin ka kahit mahirap na abutin ang isang tulad mo na matalino. Di ko kayang makipag sabayan sayo pag dating sa acads pero di ako mangmang para di ko maintindihan yun.

Bat ba gusto pa din kita? Hindi mali.
Bakit mahal pa din kita?
Apat na taon na kita gustong maging akin. Di ako kasing ganda ng iba at alam ko yun.

Sana kasing sweet mo yung nasa panaginip ko yun ang gusto kong makita sayo kaya gusto kitang makausap at makita.

Mga matang mapangakit..
Mga labi na masarap tignan
At mga ngiting di ko malimutan

Mas bagay daw tayo?
Bat di mo makita yun? Kasi ako kitang kita ko. Sayo lang ako sasaya pero sayo din ako nasasaktan.

Apat na taon ay di biro kaya siguro
Hindi kita mabitabitawan dahil umaasa ako na baka dumating yung araw na magustuhan mo na ako at sana gusto pa din kita.

Sana di pa ito ang huli.

Tulang MakahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon