Una pa lang sana sinabi ko na
Dapat pala sinabi ko na ang tunay
Kong nararamdaman para sayo
Una pa lang dapat nag tapat na ako
Kahit wala ng kasiguraduhan.Nang umalis ka, sinabi ko sa aking
Sarili na susundan kita at pag nahanap na kita at may naabot na ako
At handa mong ipagmalaki sa lahat.Handa na din akong sumugal kahit di ako sigurado kung tataya ka din sa pag-iibigan na ito. Pinang hahawakan ko ang salitang ikaw lang hanggang sa huli kahit pa sino ang dumating sa buhay ko.
Ngayon, na unti-unti ko ng natutupad
Ang mga pangarap ko na pangarap mo din saakin.
Handa na kitang harapin at muling subukan.Hindi pa sana huli ang lahat para saating dalawa
Sana hindi pa din nagbabago ang nararamdaman mo,
Kasi kung huli na ako at may mahal ka ng iba.. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.At dumating na nga, nakita kita may kasama ng iba.
Nakita ko ang iyong mga ngiti na dati-dati ay ako ang dahilan ng iyong pag ngitiPero iba na ngayon..
Nang makita ko kayo hindi ko alam ang gagawin ko.
Ngunit mas pinili kong manahimik
At di na ikaw guluhin pa.Nakakatuwa nga naman isipin na
Yung taong nangako na ako hanggang sa huli ayun nasa iba na siya at huli na nga ang lahat.Nakita mo ko at bakas sa iyong mukha ang pag kagulat na para bang nakakita ka ng multo.
Una palang kasi alam kong iiwan din ako
Pero eto pa din ako sumugal sa pag-iibigan na di ka man lang tumayaHinayaan kita mag paliwanag pero ni isang paliwanag wala akong narinig.
Siguro ito ang tama,
Ito ang binigay saakin ng tadhana
Binigay niya sakin ang kapalaran na ito at handa akong tanggapin kahit napaka sakit pa man.