Chapter 2: A Simple Hi!

1.2K 48 1
                                    

Hi readers, thank you so much sa pag read ng story ko. Muaahhh, and sorry for the typos and errors po if any.

Nakarating na sila Joshy at Jean sa bar. Pumasok agad sila at nakita nila agad yung mga kasama nila, nandun si Ronan at may kasamang tatlong unknown guys. Sino kaya sa kanila ang magiging parte ng buhay niya? O magiging dahilan ng pag ka durog ng kanyang puso?

Joshy's POV

Naku naman, medyo siksikan, 10:30 PM na kasi eh kaya medyo marami nang tao. 

Hindi ko alam sa sarili ko pero naiilang ako sa mga kasama ko ngayon dahil bago sila sa paningin ko maliban na lang kay Ronan at Jean na mga katrabaho ko. Ang mas nakakailang talaga ay tong mga bagong kasama namin.

"Hi guys! Nandito na ang mga goddesses na bumaba mula sa Mount Olympus para maki party sa inyu." sigaw ni Jean.

Ang ingay talaga nitong si Jean. Dinig na dinig namin ang sigaw ng baliw na to. Hahaha!

"Ronan, sino yung mga yummy boys na kasama natin ngayon? Pakilala mo naman samin." umirap naman si Ronan sa sinabi ni Jean.

"Uhm, mga barkada ko pala. Si Jace, Sean at Marco" pagpapakilala ni Ronan sa amin isa isa.

"Hi, I'm Jace Santiago. Ang pinakagwapo sa aming lahat" pagpapakilala nung Jace. Gwapo nga naman siya, maputi, matangos na ilong at magagandang mata. Halatang play boy to eh. Kung sa bagay, kung ganyan ba naman ako kagwapo siguradong maglalaro muna ako ng apoy, pero maganda ako eh, charos lang, maganda slight. Happy?

"I'm Sean Justin Gonzales, you can call me SJ for short", pagpapakilala naman nung isa na pamatay yung ngiti. Ang cute niya, parang makulit na bata, medyo may pagka childish ata to pero mas nagagwapuhan ako sa kanya. Mas like ko yung mga may childish attitude na mga lalaki, I find them cute and nakaka inlove. Gwapo niya in fairness, kahit di katangkaran but may maipagmamalaki...


ang mukha, wag kayong ano. Actually crush ko na ata siya kaya heto ako, todo pa cute para mas lalong gumanda ang awra ko. Hahaha!

Pero napansin ko yung Marco, parang masungit at alam niyo yung parang napilitan lang? Eh, pinilit rin naman akong sumama netong si Jean. Di ko talaga masyadong hilig ang mga ganitong events ng life. But, di na rin masama, just to make my life a lil bit interesting.

"I'm Marco Eraño, nice meeting you two", at least magalang yung pagka introduce niya pero malamig ang tono ng boses niya. Gwapo rin tong isang to ha, yun nga lang masungit pero sa tingin ko mas gagwapo to kung ngumiti man lang kahit isang beses. Haayyyy. Pero, I can't explain how I feel right now towards him. Parang feeling ko di kami magkakasundo neto. I guess homophobic to.

"Hi sa inyo mga boys! And by the way I'm Jean pala, Jean Ang at eto naman yung besty ko, si Josh Syran Areona, but you can call him Joshy, mas trip niya yun" pabulong na sabi niya sa last statement niya sa tatlo pero rinig na rinig ko naman, kinurot ko si Jean sa tagiliran at binigyan siya ng death glare.

"Uhm, hi, uhm... N-nice m-meeting you guys", nanginginig na sabi ko sabay hand shake sa kanila. Eto na nga ba sabi ko. Umandar na naman yung sakit kong nauutal kapag may kaharap na mga taong bago sa paningin ko, lalo na't mga boys sila. Whew! I kennot talaga.

Nakipag shakehands ako kay Jace, at nararamdaman ko ang pagpisil niya ng kamay ko sabay kindat. Anubey! Yung killer eyes mo po please pakitago.
Sunod namang nakipag kamay ay si SJ, yung crush ko. Rawwwrrr. Landi! Hahaha! Ang cute at gwapo niya, yung pamatay niyang ngiti! Whaaa! Help me Lord!
At last naman yung Marco na parang walang emosyong dumadaloy sa mata nito while nakikipag shakehands. Ano bang pinagdadaanan ng taong to? Pinagsawalang bahala ko na lang at umupo sa tabi ni Jean.

At nagsimula nang paikutin ni Ronan ang table, joke! Yung baso syempre para maka start na kaming mag walwal session (walwal means tagay). Naka start na kasi ang mga boys kanina habang wala pa kami kaya niramihan ni Ronan yung tagay sa amin, ay di, sakin lang pala kasi ayaw niyang lasingin si Jean, kahit girlfriend na niya ito ay may galang parin si Ronan sa kanya. Hayyy... Nakakakilig na nakakainggit. Pero yung tagay talaga, halos mapuno yung baso ko ng alak. Anong akala nila? Lasinggero ako sa kanto? Pero hindi ko inuubos, sikreto kong pinapasa kay Jean. Hindi naman nila nahahalata dahil nag uusap sila.

Bigla naman akong napatingin kay Marco. Ang sama ng tingin sakin. May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Nagkautang ba ako o ano? Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga matatalim na sulyap niya.

Nabaling naman yung atensyon nilang lahat sa akin ng may itinanong si Jace sakin.

"Joshy right?"tumango naman ako. "Uhm, nagka boyfriend ka na ba?" wow! Hot seat agad?Bilib rin ako sa confidence ng lalaking to.
"Ah, actually wala pa, may mga nakaka fling, pero sa text lang at tawag. Eh, ayaw ko naman agad mag invest ng feelings kasi, alam niyo na, walang masyadong nagseseryoso sa mga tulad ko. At isa pa, iba lang naman habol nila eh..." hindi ko na dinugtungan yung sinabi ko dahil nahihiya ako dahil baka may mainsulto.

"Grabe ka naman, di naman lahat. Yung iba, iba ang habol, yung iba serious, yung iba, yes mapaglaro, but don't generalize", sabi ni SJ with a smile. Sabi ko na nga ba, nainsulto nga.

"Uhm sorry. Yun kasi ang sabi ng mga kakilala kong mga gays na tulad ko. Wag daw ako basta bumigay sa isang lalaki kasi di natin alam ang totoong intensyon nila. Pero sorry talaga, I didn't mean to insult you guys." sabi ko at yumuko dahil sa hiya.

"Don't think about it. Tama naman yang sinabi mo. But, a pretty gay like you, should be treated like a queen." sabi ni Jace na nakapag pahinahon sa nararamdaman kong hiya ngayon.

"Uhm, t-thank you. Pero di naman ako ganun ka ganda, like other girls out there. And hindi ako girl".

"And?" this time, si SJ naman yung nagsalita na nakatingin sakin.

"Anong and?", of course alam ko yung literal meaning ng and, pero yung deeper meaning nun.

"It doesn't matter. Love has no gender and you might not know, may mga tao diyang nakapaligid lang na meant for you. Di ba?" sabi ni SJ habang nilalapit ang mukha sakin.

"Tama sila besh. Baka isa sa kanila makatuluyan mo diba? Diba Ronan?" sabi ni Jean habang nakapulupot kay Ronan na parang sawa. Tong babae talagang to, ang landi. Nagsalita yung hindi? Hahaha!

"Uie, tumahimik ka nga diyan Jean." pagsuway ko sa kanya sabay siko. Ayoko mag assume. Nakakatakot dahil hindi ko alam ang gagawin if may magpadama sakin ng feeling na yun. Yung mainlove pagkatapos sasaktan ka lang. Hayyyy... Parang naging stressful tong gabing to ha. Pero medyo nahihilo na ko. Sunod-sunod kasi ang pagtagay sa aking nitong si Ronan, at pati si Jean halatang nalalasing na rin. Eh yung mga boys parang wala pang tama ha. Di pwede to.

Note:
Ang sabaw!! Gusto niyo humigop? Joke! Pero hoping na nagustuhan niyo guys and gustuhin niyo pa. Promise I will do my best to make this story way much better.
Love you guys! Muaahhh

Hate me then Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon