Chapter 9: The beginning

619 21 0
                                    

Lloyd POV

Oo, nagtatampo ako kay Syran. I know I don't have the right to do that since wala rin akong courage para mag explain sa kanya. I explain ang lahat lahat at kung gaano ako nag sisisi sa ginawa ko. I know I am not worthy for his/her love but I will definitely do the best I can to prove that I love him/her with all my heart.

Di na ako nakasama sa kanya kasi nga medyo nagtatampo pa ako sa kanya. Lumihis ako ng daan ng di niya nahahalata.

Plano ko lang naman sanang maglibot libot. Di naman ako mahilig mag shopping. Bumibili lang ako pag need ko na talaga.

"Hmmm, parang masarap kumain ng donuts ngayon. Saan kaya may donut store dito." Nagpalinga linga ako kung saan may store at presto!

Habang bumibili ako,napalingon ako sa katabi kong bumili.

"Irene?"

Napalingon naman yung babae.

"Excuse me? Do I know you? Oh!! Lloyd?!!!" sigaw naman ni Irene.

"Uy! Long time no see!"bati ko sa kanya sabay hug.

Irene is my 2nd degree cousin. Bihira na lang kami magkita after naming grumaduate. Naging busy na rin siya dahil siya yung nag mamanage ng business nila sa Singapore. Rich kid to eh. Close kami ng cousin ko na to. Sobrang kulit kasi nito noon. At siya rin yung sumampal sakin noon nung maghiwalay kami ni Syran.

"How are you? Long time no see ahh. Di ka rin nag uupdate ng status mo sa mga online accounts mo" pag stastart ko ng convo namin habang nilalagay pa nung tagabantay ng stall ang donuts.

"Kaya nga ehh. Si papa kasi, ang daming pinapagawa. I always miss half of my life everyday. Ikaw? Ikaw ang kumusta na?" sagot naman ni Irene habang naglalakad kami.

"Eto, trying to fix everything. At isa pa, pinauwi rin ako ni papa dito sa Pinas para asikasuhin yung plano namin, or I mean nila ng bagong establishment dito."

"Asus. As if di mo kaya. Kinaya mo nga siyang iwan kahit mahal na mahal mo siya. Teka, alam ba ni tito yung about sa inyo?" tanong ni Irene habang nakakapit ito sa braso ko. Ganyan talaga yan. Minsan nga napagkakamalan kaming mag jowa.

"Nope. Walang ka ide ideya sila papa. Ayaw ko rin na malaman nila dahil alam ko, haharangin nila kami. Nung meron pang kami." sagot ko naman na may kalungkutan ang tono.

"Edi i pursue mo ulit. Minshan kashi, (kumakain na yan ng donut) kaming mga girls at girls by heart, kailangan namin ng mataas na pasensya. Madamdamin kami no matter how tough we look."

"Yeah. And that is what I am trying to do. I am trying my best para makita niya kung gaano ako ka sincere sa pagpapaliwanag."

"Don't just say it, do it! Kilala kita Lloyd. You'll do your best to make him/her happy. Just keep pushing. Kapit lang sabi ng tarshier at ng tuko."

Parang natauhan din ako sa sinabi ni Irene. I came to the point na gusto ko na lang umatras pero something tells me to keep pushing. I hope maintindihan niya.

"You're right." sagot ko sa kanya.

"Teka, wala ka bang gagawin ngayon? Samahan mo naman ako sa korean shop sa loob ng department store. May bibilhin lang ako." pagmamakaawa ni Irene. Mahilig kasi sa mga korean products to eh. Mukha na ring koreana tong babaeng to.

"Sure. Tara? Pero bilisan mo ha! May ihahatid pa ako."

"Woaaahh! Sino? Who's that unlucky person?" pang aalaska niya.

"Who else? Edi si Syran."

Syran POV

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna ulit kami sa department store dahil may bibilhin daw na damit si Jean na nakalimutan niya bilhin kanina. Sumama na rin ako. Kanina ko pa hinahanap si Lloyd dahil sinama ko siya rito.

"Nasan na kaya yun?", bulong ko habang nag pa linga linga ako.

"Hey. Sino o anong hinahanap mo?", tanong ni SJ sakin.

"Ah, wa-wala. Baka kasi may mga sale. Hehehe." pagsisinungaling ko.

"Ah. Okay.", sagot naman niya.

"Guys, pa counter muna namin to ha. Babalik kami agad." sabi ni Jean.

"Sure"-SJ

"Okay"-me

At nod lang ang isinagot ni Marco.

Nang pumunta na sila Jean sa counter, bigla akong naka feel ng sudden akwardness. Napapagitnaan ako ng dalawang gwapong lalaki. Nakakakilig na nakakahiya. Kaya iginiya ko na lang yung katawan ko palikod. Habang kunyari ay tumitingin ako sa mga damit, nahagip ko ang isang pamilyar na pigura.

"Lloyd?", pabulong na tanong ko sa sarili ko.

Eto yung babaeng kasama niya kanina. At ang saya nilang dalawa. Baka gf niya to. Mga lalake talaga, sobrang mapaglaro. Not all ha. Pero tong isang to. Bahala nga siya. Mag co commute na lang ako pauwi.

"Guys! Let's go na!" tawag ni Jean sa amin. Sumunod naman kami sa kanila papalabas ng exit.

Papalabas na kami ng mall ng may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Syran!"

Nagpalinga linga ako kung sino yung tumawag sakin.

Napalingon rin sila sakin.

"Besh! Sino yung tumawag ng pangalan mo?" biglang tanong ni Jean.

"Huh? Nasan? Nakita mo ba?"

"Sa likod mo oh!", sabay nguso ni Jean.

Tumalikod naman ako sa kanila para malaman kung sino yung nasa likod ko.

At di nga ako nagkamali.

"Lloyd! Saan ka ba galing?!" napakunot ako ng noo ko. Kahit alam ko na nakikipaglandian to sa iba. Selos na ba ako nun? No way!!!

"May binili lang ako." sagot niya.

Liar! Sarap isigaw sa harapan niya yan. Akala niya di ko siya nakita.

"Uuwi na kayo?", tanong niya sakin.

"Oo." maikling sagot ko.

"Besh, sino yan? Gwepe ha." pabulong na tanong niya sakin habang sinisiko ako.

"Ah, nga pala guys. Si Lloyd... Friend ko." pag iintroduce ko sa kanila.

"And Syran's suitor. Nice to meet you all." biglang sabat ni Lloyd.

What?!! Namula ako sa sinabi niya. Ngumiti naman si Jean sakin ng napakalaki. Alam ko na tong babaeng to. Si Ronan ay nag smile lang. Si Marco, parang wala lang sa kanya at si SJ, parang nagbago aura nito? Kanina lang sobrang jolly niya.

"Nice to meet you!" bati nila kay Lloyd.

"Uhm, so let's go?" tanong ni Lloyd sakin.

"Saan?!"

"Hahatid kita pauwi."

"Sige na besh. Go gora na rin kami at mukhang, makakaistorbo pa kami." pang iinis pa ni Jean. Naku kang babaita ka! Humanda ka sakin at kakalbuhin kita.

Umalis na sila at hila hila niya sila Ronan at SJ. Parang ayaw pang umalis ni SJ. Sumunod naman si Marco sa kanila.

Mabuti na rin at magtutuos kami ng lang hiyang lalaking to.

Humanda ka talaga sakin at humarap ako sa kanya ng naka cross ang kilay.

"Halika nga dito!" hila ko sa kanya papuntang parking lot.

-------------------------------------------------------------
Hi guys! I am so overwhelmed right now. Thank you so much for your support.

Appreciated po lahat ng nag comment at nag vote. It's my honor to give you a story that you might like.

Hate me then Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon