Chapter 11: The forgiveness

910 29 7
                                    

Syran POV

I don't know what to say. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kanina.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pabalik balik sa utak ko ang nangyari kanina.

Flashback

Lloyd POV

Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang mag explain.

"It was never my intention to leave and hurt you. I just protected you dahil mahal na mahal kita at alam kong alam mo kung gaano kita kamahal."

"Mahal? Big word ha." sagot niya sakin sabay irap.

"Listen to me first, okay? Pakinggan mo muna to bago mo ko laitin o kung ano man." sagot ko sa kanya na nagpabago sa ekspresyon ng mukha niya.

"Sabi ni papa, papupuntahin niya ko sa US. Akala ko bakasyon lang at plano ko sanang isama ka at opisyal na ipakilala ka sa kanila, tutol man sila o payag satin. Wala akong pakialam. But my world suddenly stopped ng malaman ko na dun na niya ako papa aralin. I refused at first, I tried convincing him na dito na lang ako and I don't want to go. Kasi, ayaw kong mapalayo sayo." pagpapatuloy ko sa pag eexplain sa kanya sa nangyari.

Tumingin siya sakin nang may pag ka lalim. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Pero na process na niya ang mga papers ko pati ang pag transfer ko. And I also found out that mama was sick. Siya mismo ang tumawag at naki usap sakin. I tried to refuse and ask for their forgiveness kasi di ko kayang iwan ka. Pero..., nagawa ko dahil, may cancer siya at stage 3 na yun. Inilihim ni mama sakin yun pati si papa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noon." pagpapatuloy ko as my tears started to flow unknowingly. Ayoko sana maging emotional sa harap niya pero di ko na napigilan the fact na nasasabi ko na to lahat sa kanya.

"I chose them first over you...kahit sobrang bigat at sakit. That's the time na nag decide akong baliin kung ano man ang namamagitan satin. Ayokong umasa ka sakin, sa pagbabalik ko. Mas pinili kong gawin ang nararapat kesa gawin ang makapag papasaya sakin. Ayokong madamay ka kapag nalaman ni papa ang tungkol satin. I know that he'll oppose to us at ayokong may mangyaring di maganda habang wala ako sa tabi mo." nakita ko sa mga mata niya na nagsisisi siya sa mga sinabi niya.

"I've been a jerk." tawa ko ng mapait.
"I chose them over you, kahit na nag sinungaling lang sila." at tuluyan na kong umiyak. It's not usual to me na umiyak sa harap ng ibang tao, lalo na sa kanya.

Nagtanim ako ng sama ng loob sa mga parents ko dahil nagawa nila sakin yun.

"B-ba-bakit, bakit di ka bumalik?" tanong niya habang umiiyak.

"Kasi, wala na kong maipapakitang mukha sayo. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi di kita nagawang ipaglaban. Isa talaga akong gago!" sigaw ko habang sinusuntok yung manibela ng sasakyan.

"Tama na! Lloyd tama na! Please. Please." pagpipigil ni Syran sakin at niyakap niya ko ng mahigpit na nakapag pahinahon sakin pero humagulgol ako habang yakap siya.

"Ssssshhh. Tahan na. Tingnan mo ko. Lloyd, tingnan mo ko. Pinapatawad na kita, okay." sabi nito habang sapo niya ang mukha ko.

"Ako ang dapat humingi ng tawad kasi hindi kita binigyan ng chance na magpaliwanag." sabi niya na nagpagaan ng nararamdaman ko.

"I am very sorry Syran. I am very sorry." sabi ko sa kanya habang yakap ko pa siya. Na miss ko ng sobra tong yakap niya. Na nagpapagaan ng kalooban ko.

"Okay na yun. Sorry din." sabi niya tsaka kumalas ng yakap sakin.

"Pero, kahit wala ako sa tabi mo, palagi pa rin akong nakabantay sayo. Meron akong taong inutusan na bantayan at palagi mag update sakin kung ano nangyayari sayo mula pagpasok sa school hanggang uwian hanggang sa nagkatrabaho ka"

Hate me then Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon