Chapter 8: Right or wrong

636 25 1
                                    

Syran POV

Papasok na kami ng mall kasama si Lloyd. Di ko talaga ma gets tong isang to. Okay pa naman kami kanina, ngayon may halong pagtatampo at pagka dismaya ang pakikitungo niya sakin ngayon. Kilala ko si Lloyd. Bawat hininga't kutob niya alam ko ang ibig sabihin. Wow, Vilma, isda you?? Ah basta, bahala siya.

Kasalukuyan naming hinahanap sila Jean. Ewan ko ba. I am still curious kung bakit gusto daw ako makita ni Marco. Well, let's see.

( A few minutes later...)😂

"Hoy bitch!"

What?!! Who called me bitch!!!!

Charos lang. Si Jean na yun for sure. At nung tumalikod ako, siya nga at wala nang iba. Kasama niya sila Ronan, SJ at Marco. Shocks! Ang gugwapo ng mga nilalang na kasama ng amazonang friend ko. Rare item kung baga sa mga RPG at MMORPG. Games po yan.

"Sorry kararating ko lang. Kanina pa kayo dito?" agad na bungad ko sa kanila.

"Di naman. Kararating ko lang rin. Ewan ko sa dalawang ito". Sabay turo kina SJ at Marco.

"Ah medyo nauna kami kanina dito. May kinailangan pa kasi kaming puntahan eh before we got here." sagot naman ni SJ. Ang gwapo ni SJ. Shit, makalaglag panty kasi may pina smile pang nalalaman eh killer smile kasi ang mokong eh. Hayun tuloy, head turner ng mga girls at feeling girls.

"So, tara?" tanong naman ni Ronan.

"Let's go" sabi naman ni Jean.

"Wait lang. Kasama ko pala si..." pagtingin ko sa likod ko eh wala na si Lloyd. San naman kaya nag punta yung mokong na yun. Nauna kasi ako sa kanya at ang bilis ko rin kasi maglakad lalo na kapag naiinis. Ayyy, ewan ko sa damuhong yun. Baka may binili lang o baka may inatupag pang, iba. Bahala nga siya.

"Sino?" tanong ni Jean.

"Ah, eh wala. Tara na?" sagot ko naman.

Kaya naglakad na kami.

Pumunta kami sa department store. Namili kami ng mga damit at ganun rin yung mga boys. Actually, kanina pa sila natapos. Kami na lang ni Jean ang patuloy sa paglilibot. Alam niyo naman, mga girls. Kapag shopping eh libot doon, libot dito kahit pabalik balik na. Eh mga boys eh kapag trip nila yung item eh kuha at counter agad.

Pagkatapos naming lumibot sa department store eh dumiretso na kami sa isang korean restaurant. Gutom na kasi us eh. Tsaka sobrang nainip yung mga boys sa paghihintay samin. Pero actually, kanina ko pa hinihintay na magsalita si Marco o makipag usap sakin. Sabi kasi ni Jean, gusto daw makipagkita ni Marco sakin. "Girl, makipagkita lang, di maki pag usap. Wag tayong maging assuming". Hmp. Author talaga.

Kung sa bagay. Makipagkita lang naman ang sinabi eh.

Nag order na kami ng mga foods. Daming inorder tong sila Ronan at SJ. Palibhasa mga rich kid. Sarap nang lantakan nung bolgogi at bibimbap. Unli kimchi pa.

Yun nga. Naging masaya yung kainan. Di naman naging akward kasi madaldal rin pala tong si SJ at palabiro. Di kagaya nung katabi niya.

Eto pala set up para maimagine niyo naman.

            Ronan      Jean       Ako
                           TABLE
                  Marco          SJ

Kanina pa kasi di kumikibo tong si Marco. Hello! Kasama ka ba namin o picture ka lang. Actually, nagsasalita naman siya kapag kinakausap o tinatanong nila Ronan at SJ.

"Ah guys, CR muna ako ha." pag e excuse ko sa kanila.

"Sige" sagot naman nila maliban lang kay Marco na tinignan lang ako. May galit ba to sakin?

Habang papunta ako ng CR, nahagip ng mata ko si Lloyd na may kasamang girl. Grabe naman makalingkis yung babaeng yun sa kanya. Bahala siya, bahala sila. Wala naman akong karapatan para sugurin sila. Duhhh!! Kaya nagpatuloy na lang ako sa CR. Nag retouch lang ako ng konti. Konting foundation, lip at cheek tint. Papalabas na sana ako ng CR nang sa hindi inaasahan ay nakasalubong ko si Marco. Gusto ko sana siyang kibuin o i greet o tanungin man lang. Kaso nahihiya ako baka deadmahin niya lang ako.

Papalabas na sana ako ng bigla itong magsalita.

"Ah Syran. Sandali lang. Pwede ko ba hingin yung number mo?"

What??!! Did I hear it right? He wants to have my number? How? When? Why? Assumera!!! Malay mo e loader siya?!

Hahaha! Author naman eh. Di na mabiro.

"Ah, sure." yun lang nasabi ko at binigay ko sa kanya yung number ko. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit kinuha niya yung number ko. Baka lumabas na sobrang aggressive ko. Yes, crush ko din kaya si Marco. Gwapo tsaka may pagka mysterious type. I like. Ang landi!😂😂

"Thanks. Mauna ka na. Mag c-cr lang ako" sabi niya tsaka pumasok sa loob.

I head back to our table na rin. I still can't belive it. Chos!

Marco POV

Parang nagtipon muna ako ng courage para gawin yun. Kung hindi lang dahil sa kaibigan kong si SJ, di ko gagawin yun. Ewan ko ba sa kanya. Ano bang nakita niya sa baklang yun? Dami namang mga babaeng nahuhumaling sa kanya.

Papalabas na ko ng CR at pabalik na rin. Nakita ko sila kung gaano sila kasaya. Panay pa ang sulyap ni SJ kay Syran. Ewan ko ba. Parang medyo uminit yung ulo ko. Ewan ko ba. Eh ayoko namang maging KJ. Kanina ko lang din nasulyapan si Syran. Di naman maipagkakaila na maganda si Syran. He/she has a beauty comparable to a real woman. Aiissshhh! Ano ba to? Makabalik na nga.

SJ POV

Pinakiusapan ko si Marco na hingin yung number ni Syran. Yep, sabihin niyo nang torpe ako o duwag. Ewan ko ba. Wala akong enough courage para gawin yun. Di ko rin mahingi kay Jean at kahit kay Ronan. Di ko naman sila masyado close pa. Oo, nakiki join ako sa kakulitan nila pero iba pa rin eh.

Nakabalik na rin si Marco.

"Bro, nakuha mo ba?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Oo", sagot naman niya.

"Yes! Thank you. Kukunin ko mamaya".

"Sure".

Ewan ko ba. I just want to be close to him. Gusto ko pa siyang kilalanin. Masisisi niyo ba ako? Friendly lang naman ako. At kapag curious ako sa isang tao ay di ako titigil hanggang makilala ko sila. But is this feeling right or wrong? Ah basta, I want to make sure of this.


-------------------------------------------------------------

Hi guys!! Yan na! Nakapag UD na ko! Yey!!

Medyo ginanahan na kong mag UD kasi sayang naman yung story na hindi maitutuloy.

Don't hesitate to hit the 🌟 button or icon if like niyo yung story. I'll post my latest updates na for you.

Hate me then Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon