Chapter Four: It feels weird

847 37 2
                                    

Marco POV

Nakarating na kami sa apartment ko at sobrang tahimik na ng daan, syempre dahil 1:03 AM na. Bumaba na ko ng kotse. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse para di siya magising. Eh mukha rin namang di to magigising kahit na anong yugyog ang gawin mo dito.

Binuhat ko ulit siya, bridal style, kasi nga naman, himbing na himbing ang tulog nito. Papasok na ko ng bahay ng bigla siyang kumapit ng mahigpit sa damit ko at napamulat siya ng konti.

"Hmmm... Na-na-san, nasan ako?" biglang tanong niya.

"Matulog ka na lang ulit." sabi ko at mukhang nakinig naman dahil pumikit siya ulit. Pero biglang...

"What the!!!!" Bigla itong sumuka sa damit ko! Nakakainis! Badtrip!

"Shit! Grrrr. Humanda ka sakin bakla ka." sobrang naiinis na sabi ko.

Sa sobrang inis ko ay tinapon ko siya bigla sa kama na parang stuff toy.

"Shit kang bakla ka. Eehhhh! Ang lagkit at amoy alak at suka ako ngayon." Dumiretso agad ako sa CR para maligo at makapagbihis. Sobrang nakakadiri.

Pagkatapos kong linisin ang sarili ko ay nagbihis na ko ng pang bahay. Nakaboxers lang ako at naka white na sando. Para komportable.

Bigla kong naalala si bakla. Anong gagawin ko eh nakahilata lang sa kama ko na parang walang nangyari. Di man lang nagising kahit tinapon ko na siya sa kama. (Harsh na ba ako nun?) Eh wala akong paki alam. Dun na lang ako matutulog sa sala.

Kaya pumunta na ko sa sala at dun ako sa sofa matutulog. Kumuha lang ako ng kumot at unan.

"Bahala na nag baklang yun. Maglalasing tapos di naman kaya nag sarili." litanya ko sa sarili ko pero medyo nakonsensya ako dahil mali naman ata na pabayaan ko siya. I mean kahit na mga kaibigan ko, lalo na si SJ pag nalalasing eh ako rin nag aasikaso sa kanya minsan. Haayyy, eh inaantok na ko eh. Humiga nako pero parang may nakalimutan akong dalhin.

"Yung phone ko, nasa kwarto. Hayyy." kaya no choice ako. Kailangan kong bumangon at kunin ang phone ko. Pagpasok ko sa kuwarto ay hinanap ko sa table ang phone ko pero nagulat ako dahil nawala na lang bigla si Syran. Baka nag CR. At hindi nga ako magkamali. Eh anong ginagawa niya dun? (Malamang nag si-CR! Tanga naman neto) Ewan ko sayo. Feeling ko nababaliw na ko minsan.

Kumatok ako sa CR at tinawag ko siya.

"Syran? Okay ka lang?"

"Mmmm, ah, ah, o-oo. Naghilamos lang ako para mahimasmasan ako ng konti. Gagamit ka ba ng banyo? Sandali lang, lalabas na ko."

"Ah it's okay. I'm just checking."

Tatalikod na sana ako para lumabas ng kuwarto pero sakto naman ang paglabas niya sa banyo.

"Uhm, sorry. Naabala pa kita dahil sa kalasingan ko. Nasukahan rin kita kanina. Sorry talaga."

"It's okay. Pero next time, kapag maglalasing ka, siguraduhin mong kaya mo pang baybayin ang daan pauwi. Don't drink too much. Para kang broken hearted." mataas na sermon ko sa kanya.

"Sorry talaga. Uuwi na ko. Kaya ko na rin naman ang sarili ko. Nahimasmasan na ko kahit papaano. Sa-salamat sa pag aasikaso sakin." sagot nito na parang nahihiya pa. Dapat lang na mahiya siya sa ginawi niya.

"Dito ka na magpa umaga. Madaling araw na rin. Just rest for a while bago ka umuwi." sabi ko sa kanya. Di ako concerned sa kanya sa lagay na yun.

"And another thing. Please close the door after you leave." dagdag ko.

"A-ah o-okay. Sorry talaga ulit. Sobra sobrang abala na ang nagawa ko." sabi nito ng may malungkot na tono.

"Pang ilang sorry na ba yan? Matutulog na ko. Inaantok na ko." at lumabas na ko ng kuwarto para bumalik sa sala. Inaantok na talaga ako. Kaya pagkahiga ko ay nilamon na ko ng antok.

Syran POV

Humiga ulit ako sa kama pagkatapos lumabas ni Marco sa kuwarto. Yes, although masungit siya pero he's still a kind person. Nahihiya nga ako dahil kakakakilala pa lang namin eh sobrang abala na nagawa ko. Eh di ko naman sinabi na asikasuhin niya ako.

Pero inaamin ko na thankful ako sa kanya at di ko maiwasang di mapatingin sa magandang hubog ng katawan neto. Parang nag gi gym siya at yung... yung... yung umbok sa boxers niya. Shet! Landi ko lang eh no. But, I can't deny the fact na napalunok talaga ako. Haaayyy. Stop fantasizing Syran! He will never notice a gay like you! Lalo pa't naging ma eksena ako sa una naming meeting.

"I feel so uncomfortable. Gusto ko sanang magbihis pero paano?"

"Wala akong magagamit na malinis na damit. Nakakahiya namang manghiram kay Marco. Sobrang perwisyo na ko pag nagkataon." kaya nga titiisin ko na lang ata to hanggang mag umaga. It's already 2:41 AM. Inaantok na rin ako. Medyo nahihilo pa ko. Uminom na rin ako ng biogesic kanina kasi may nahagilap ako sa bulsa ko at ininom ko yun nung nasa CR ako. I laid myself and my eyes and mind started to drift off to sleep.

5:45 AM

Bigla akong nagising dahil nag alarm ang phone ko. Nakalimutan ko pala na naka alarm pala ang phone ko. Kaya nagising na ko at nagtungo sa CR para maghilamos at umalis na para makauwi na ko. I'm sure nag wo worry na ng sobra si mama.

Pababa na ko ng hagdan at nakita ko si Marco na mahimbing na natutulog sa sala. Napa isip ako kung paano ako makakabawi kahit papaano.

"Lutuan ko kaya siya ng breakfast. At least makabawi man lang ako sa pag aasikaso niya sakin."

Kaya nagtungo na ko sa kusina at nakita kong may left over rice pa siya sa rice cooker. Nag sasaing rin pala ang mga gwapo? Hahaha!

Kaya ginawa ko yung fried rice tsaka nag prito ng itlog, chicken ham at hotdog. Pagkatapos ko ay nag iwan ako ng note at pinadikit sa ref niya.

Dahan dahan akong lumabas ng bahay at saka pumara ng taxi para makauwi. Haayyy, what a night! Humanda sa akin ang babaitang yun mamaya sa office. Makakatikim talaga sa akin si Jean ng malutong at mainit na mura. Rawr!

Marco POV

Nagising ako ng 8:45 AM. Tumayo ako chineck kung nakauwi na si Syran. Pagtingin ko sa kuwarto ay wala na ito. Ayos na ayos ang kama. Nagtungo ako ng banyo at umihi. Nagugutom na rin ako pero nakakatamad magluto pero no choice ako. Wala ako sa bahay nila SJ. Pagkagising ko sa umaga eh nakahain na ang breakfast pero kapag dito ako sa apartment, kailangan ko talagang magluto para makakain ako. Haaayyy. Perks of being independent.

Pagkadating ko sa kusina ay nakita kong may nakatakip na pagkain sa mesa. Binuksan ko yun at sobra akong natakam. Fried rice, sunny side up, chicken ham at hotdog. Wow! Breakfast ready na. Eh pero, sino nagluto nito?

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Syran. Awwww, how sweet. Tsss. Corny.

Pumunta ako ng ref para kumuha ng tubig at nakita kong may note.

Note:

Good morning Marco! Thank you sa pagpapatuloy sa akin. I know it's not enough para mag thank you sayo pero sana tanggapin mo. Sorry ulit. Have a nice day. 
                                              -Syran

Ilang beses ba siyang nag sorry. But I appreciate his effort to make breakfast. Eh siya kaya, nag breakfast ba siya? Parang hindi kasi dumiretso na atang umuwi.

"Thank you Syran" ang tanging nasabi ko lang.

-------------------------------------------------------------

Note:
Thank you so much sa mga readers neto. I know it's not that good but I appreciate the people who read and waited for the updates about this story.

Comment naman po diyan. Hehehe. I would really love to hear something from you guys. Muaaahhh!

Sumainyo ang kagandahan! At suma akin din, ten folds! Hahaha!

Joel of CNCO as Marco. (The picture above)

Hate me then Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon