Hi guys! Sorry sa very late and slow update ng story na to. Hirap pagsabayin ng teaching and wattpadding (ano daw?!😂). Basta writer ka. Hahaha! Thank you for the patience! Muaahhh! At I think nalalayo na yung story sa plotline. Maglalagay ako ng mga twist, if ever.
-------------------------------------------------------------
Syran POV"Manong, sa tapat na lang po ng green na gate." Pagpara ko kay manong taxi driver tsaka inabot ang bayad ko.
Pagbaba ko ay napa singhap na lang ako. Paano ba kasi, sobrang daming ganap at drama kagabi. Ewan ko. Parang sasabog yung utak ko kakaisip. And I'm pretty sure, talak at sermon ang aabutin ko neto kay mama. Baka magsumbong yun kay papa. Di pa naman kami ganun ka close ni papa.
Ever since I was a child, nakita na ni mama ang kaibahan ko, and I think pansin rin yun ni papa. Although tanggap nila ako but I can still feel that acceptance is not a 100% on papa's end. But I'll prove to him that may maipagmamalaki ako sa kanya. Kahit na bachelors degree holder na ko, I still want to prove something to him.
Yes, you read it right, grumaduate na ko with flying colors at hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, I graduated cum laude with the course Bachelor of Secondary Education major in English. Kaya nga nakapasok ako agad sa BPO job na to. Pero si papa gusto niyang Business Administration yung kunin ko kasi gusto niya na ako ang mag manage ng maliit na business namin. Isang restaurant and cafe. May 2 branch pa lang ang cafe and resto namin. Si mama ang namamahala for now at tumutulong din naman ako sa kanya pero meron naman silang mga branch managers para pangasiwaan yun. I am also a licensed teacher kaya nga di masyadong mahirap sa part ko kasi I'm a professional. But the way I act, it's not. Hahaha!! And wala pa talaga sa isip ko ang mag turo. Actually it's not my passion talaga. Nadala lang ng mga friends ko noon.
Hayyy, okay going back. I need to face my mom who, for all I know, beast mode na. Patay ako neto. Lord, help me po.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at...
(insert cricket sound)
"Ma?"
"Anybody home?"
Walang tao. Yes! Wala si mama! Magbunyi tayong lahat!
"Yes!", napasigaw talaga ako dahil postponed ang sermon, may time pa ako para matulog at gumawa ng household chores para di ako pagalitan.
Napatihaya na lang ako sa kama ko.
"Hayyy, nakakapagod. Makatulog nga muna." Tiningnan ko muna yung phone ko at may nag text.
"Besty! Sorry pala kagabi. Nalasing din ako eh. Nakauwi ka ba sa inyo?"
- Jean
Ano bang isasagot ko kay Jean? Eh kung sasabihin ko sa kanya na dun ako natulog kela Marco, eh baka sabihin niyang may nangyari sa amin. Alam ko pa naman ang ugali ng babaeng yun, advance mag-isip at magsalita.Nagsimula na kong mag type ng ire reply sa kanya.
"Uhm. Nakauwi na ko. Pero may atraso ka sakin. Pasalamat kay at day off natin ngayon. Babawi talaga ako sayo next day.😈"
Sent.
Reply ko sa kanya habang papasarado na ang mga talukap ng beautiful eyes ko. Haaayy, eyebags, kilo-kilo lang. Hahaha!
Pero makatulog nga muna. Di naman agad nag reply si Jean. Ewan ko anong nangyari sa kanya habang kasama niya si Ronan. Naku, kapag may nangyari sa kanya, lagot siya kay tita Suzaine (mommy ni Jean). Ayaw pa naman ng mommy niya na mabuntis tong si Jean while she's 21, marami pa daw siya pangarap kay Jean.
Pero, wala na talagang nagawa ang mga mata ko at nakatulog na talaga ako.
Zzzzzzzzzzzz.
"Babe, wake up. Maghahapunan na."

BINABASA MO ANG
Hate me then Love me
Lãng mạnPaano kung nagmahal ka ng isang taong akala mo eh mahal ka, pero pinaglaruan ka lang dahil sa isang pustahan? At ang masama ay tiniis niyang maging boyfriend mo siya even though he's homophobic. After finding out the truth, would you still invest y...