Hi guys! Thank you sa pagbabasa at pag suporta niyo sa story ko. Hope nasisiyahan kayo and would still continue to support this story.
Joshy POV
It's already 11:40 PM. Sabi ko kay mama exactly 12 uuwi na kami. Pano ako makakauwi nito eh parang wala ng ulirat tong si Jean. Ako rin, sobrang nahihilo na ko at sigurado akong pag naglakad ako, halatang nakainom. Patay ako neto kay mama. Nabubulol na rin ako sa pagsasalita ko but aware pa ko sa environment ko kahit papano. Nakakahiya namang humingi ng tulong sa mga kasama namin. Kakikilala pa nga lang namin namerwisyo na kaagad kami, diba?
"Ako na lang maghahatid kay Jean sa kanila. Kaya ko pa naman. Medyo tipsy lang. Magtataxi na lang kami", sabi ni Ronan na halatang may amatz na habang nakasandal si Jean sa balikat niya at hinihilot ang ulo ni Jean kasi nagrereklamo na nahihilo daw sya. Awweeee, how sweet naman, inggit si ako. Hmp.
"Shigurado ka ba Ronan? To kashing vabhaeng toh eh", iba nang pananalita ko.
"Oo naman, para pasasaan pa't boyfriend niya ko kung di ko siya magawang alagaan at protektahan?", sagot ni Ronan. Sobrang sweet naman niya. Swerte tong babaeng to. Naku, sarap pabugbog. Hahaha!!
"Shi-shiruraduhin mo lang na she'll reach her home ha. Kapag nagtake advantage ka sa beshy khong to, fepektushan kitsa!", naku, I feel wasted na. Panu na to?
"Eh ikaw, sino maghahatid sayo? Eh opposite kayu nang daanan pauwi ni Jean?"
"Kaya kho sharili koh. Don't mind me. I can manage. Magtataxi rin ako", sabi kk kay Ronan. Sanay na kaya akong walang nag ca care. Charos but true kaya.
"I'll take him home."
Huwaaattt? Am I dreaming or what? Sigurado ba sya? Paniwala ka naman girl? Eh baka iba habol niyan? Pero mukhang mayaman naman tong lalaking to ah. O baka kaya...?!
"Ah,I-I'll be fine. Wag na nak-nakakahiya naman sayo SJ." pabebe kong sagot. Eh gusto naman kasi. Shhhhh!! Shut up ka muna brain please. Lasing ako. So kasalanan ko? Hmp, bahala ka na nga diyan. Tseh, tong utak kong to, palaging kumukontra. But most of the time tama naman siya.
"No, I insist, tutal kaya ko pa naman. Baka ano pang mangyari sayo, lalo na't di ka mapagkakamalang lalaki." awwweeee, kilig me naman sayo SJ. Sagutin na kaya kita? Ang problema, di pa nanliligaw. Assuming na naman. Yan, sige pa. Para masaktan ka ulit. Harsh mo naman, ok fine, you win again. Hmp. Ewan ko kung utak ba talaga kita o ano?
"Ako nalang. Di mo na kayang mag druve SJ baka madisgrasya pa kayo, sisihin pa ko ni tita. Di naman ako masyadong uminom." sabat naman netong si Mr. Sungit, si Marco. Pero nakaka shock ha, di naman pala masyado masama ugali neto kasi concerned sa kaibigan niya. Yes, kaibigan niya, di sayo girl. Hmp. Hay! Okay. Shut up na please.
"Ah, eh, w-wag n-na. Diba shave ko, I can manage?" pagtatanggi ko.
"No dude, I'll be fine. Kaya ko pa. I won't let anything happen to me, lalong lalo na kay Joshy."sabay tingin ni SJ sakin.
"Bahala ka! Basta pag may nangyari sayo, abswelto ako kay tita." pasinghal na sabi ni Marco kay SJ. Ewan ko ba pero parang pinapamukha niya sakin na wala siyang pakialam kung anong mangyari sakin. Masakit sa damdamin kung dadamdamin ko.
"Wag na nga eh! Kaya ko nga sarili ko! At, at, pabayaan niyo na lang ako." biglang singhal ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat. Nagulat rin ako sa inasal ko. Sa tama lang siguro ng alak to kaya medyo emosyonal ako.
Tumingin ako ng masama kay Marco bago ako nag walk out. Kahit halatang medyo nahihirapan ako maglakad ng tuwid eh pinilit ko pa rin ang sarili ko. Tinawag ako ni SJ at Ronan pero nagbingi bingihan na lang ako. Eh sino pa bang aasahan ko ngayon? Wala naman si Jean dahil lasing siya at syempre, una talagang aasikasuhin ni Ronan yung girlfriend niya. Ayaw ko talaga ng mga ganitong pangyayari. Nagpakita agad ako ng pag ka apekto sa kanila kahit na bago pa lang kami nagkakilala. Yung Marcong yun kasi. Alam ko naman na di ako dapat iprioritize, lalo na't hindi ko pa sila masyadong kilala. At tsaka, porket bakla ako eh may mangyayari agad na di maganda? Di naman ako yung tipo ng bakla na agresibo pagdating sa mga lalaki. Dahil ba gwapo sila? Grrrrr. I will never ever forget this night. Paghihimutok ko sa isip ko.

BINABASA MO ANG
Hate me then Love me
RomancePaano kung nagmahal ka ng isang taong akala mo eh mahal ka, pero pinaglaruan ka lang dahil sa isang pustahan? At ang masama ay tiniis niyang maging boyfriend mo siya even though he's homophobic. After finding out the truth, would you still invest y...