11:43

376 2 0
                                    


Paano kung mawala ang lahat ng nararamdaman?
Paano kung lahat ng nangyari ay panaginip lang?
Paano kung mali pala na muli nating binalik ang dati?
Paano kung hindi mo na kayang manatili?

Paano kung isa sa atin ang lumayo? 
Paano kung hindi ko na kayanin?
Paano kung lahat ng sakit bumalik? 
Paano mapapahinto ang sakit sa damdamin?

Paninindigan mo pa rin ba ako hanggang sa huli? 
Paano kung may mahanap akong iba?
Paano kung mas pinahalagahan niya ako kesa sa iyong ipinadama?
Paano kung mahal kita pero nahuhulog na ako sa iba?

Paano tayo?

Susuko na lang ba?
Paano kung ang lahat ng ito ay isang biro lang ng tadhana?
Paano kung tayo ang napiling paglaruan ng oras? 
Paano kung hindi tayo ang nakalaan sa isa't isa?

Paano ako kung wala ka?

Puro paano, at katanungang gumugulo
Napakamaraming tanong sa isip ko
Lilim ng gabi ako'y nandirito
Naghahanap ng kasagutan sa mga tanong kung papaano

Nagiisip, humihiling sa lahat ng butuin sa langit na maliwanagan at masagot ang lahat ng tanong na gumugulo

Gumugulo, nanggugulo sa isip ko at waring pati tulog ko'y gulo

Ako mismo ay gulong-gulo sa lahat ng nangyayari, sa lahat ng nadarama

Ano nga bang dapat kong nararamdaman?
Ano ba ang dapat na isipin? 

Kung tama pa ba ang inaasta?
Kulang ang oras nating dalawa. 
Ni hindi ko na nga makita ang iyong mga mata
Dahil sa tuwing makakasalubong kita, may iba kang kasama at tila masayang-masaya 

Masaya ka kahit wala ako, masaya ka kahit hindi ako lumapit sayo 

Eh paano ako?

Paano ako na ikaw ang bumubuo ng araw ko?
Na sa twing makikita kita ang lungkot sa aking mga mata ay napapalitan ng ngiting umaabot sa kalangitan 
Dahil labis akong pinagpalang ako'y iyong minahal

Mahal. 

Paano ako? Masyado akong napamahal sa iyong mga gawi, sa iyong mga ngiti o kahit sa simple mong tindig. 

Masyado kitang minahal. 
Minamahal at patuloy na mamahalin. 
Pero sa ngayon ititigil ko muna ang pagiisip.
Kasi ako lang naman ang napupuyat at nasasaktan tuwing gabi 

Tuwing makikita ang dilim,
Tuwing nawawala ang liwanag na nasisinag ng aking mata
Patuloy na gumugulo ang masasayang mga alaala

Ako lang naman ang tanging nagigising sa katotohanang pilit kong ikinukubli 
Tinatago at pilit na pinagtatakpan ang sakit 

Pero ayos lang ako

Hanggat may nararamdaman pa ako ipagpapatuloy ko 
Walang nagoobliga, ginusto ko ito
Dito lang muna ako, magpapahinga at pipikit muna ako.  

11:43 thoughts ended; 12:32

Makata - Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon