Sa muling pagtitig sa iyong mga mata
Patak ng luha ang kumakawala
Hindi maipinta ang iyong mukha
Pilit ng kinakalimutan ang mga ala-alaSa muling paglalapit ng ating mga kamay
Lahat ng pangako't salita'y nawalan ng saysay
Sa nakaraan ay ibabaon at mananatiling nakaratay
Ang bawat paalam narinig na't sanaySa muli mong pagtanaw, sa pagkapit
Unti-unti mong ipinadadanas at ipinasapit
Ang distansya nating malayo pero kay lapit
Ang saya ay napapalitan ng paitSa pagdaan ng mga araw na dahan-dahang bumibitaw
Unti-unti rin akong ngumingiti kahit na hilaw
Ika'y palalayain at hindi na muling tatanaw
Kalilimutan ang pusong siyang sigaw
BINABASA MO ANG
Makata - Tagalog Poetry
PoetryMga tula mula sa pinagmulang-dila, Mga salitang nais ipahayag, katanungang naggugulimahing walang tila hayaang basahin at maglayag chéyuchstn_