Nanaginip, kasama ka't masaya
Hindi mapawi ang tuwa tuwing ika'y kasama
Ngunit sa pagbangong ngayong umaga,
Di lubos mawari kung bakit wala ka na.Tingin, sulyap, pikit.
Paulit-ulit.
Paulit-ulit na pumipikit sa katotohanang iyong sinambit
Hindi kayang paniwalaan dahil labis ang sakit
Sakit na tila ang isang paalam ay pinagsama-samang guhitSa bawat guhit na tumatarak sa aking dibdib
Guhit na tumutusok sa bawat litid,
sa bawat parte, sa bawat isip
Gumising sa isang mapanlinlang na panaginipNagbabadya, humahangos, at halos nanlilimos
na kahit kaunti ay baka sakali
Sakaling may pagmamahal pang natitira sa puso mong matagal nang nagsara
Siya na ang sinasamba, iba na ang sa iyo ay nagpapasayaAt sa paggising ko, iba na ang iyong kasama
at tila ba'y nawalan ako ng puwang
Na dati rati'y ako ang nagbigay kulay
Ngayon isa na lamang akong alaala sa iyong nakaraanAnong nangyari sa ating pinagsamahan?
Mga oras na nawala ay pilit hinahanapan
Ng kaunting dahilan at kasagutan
Ngunit ang isinukli ay ang mapait na katotohananNapakaraming damdaming pilit pang ikinukubli
Sa dinami-daming nakaalam, bakit ako ang nahuli?
Bakit hindi na lang tayo muli?
Bakit nga ba ako umaasa sa isang baka sakali?Wala nang saysay ang paghihikahos at pagsusumamong ika'y bumalik
Hindi na aasang sa isang pagkakataon magkakaayos at muling manumbalik
Ang dating pagsasamahang ang langit ay nakangiti
Ngayo'y isang delubyo at agad ka sa'king binawiTanging dalangin sa pagmulat ng mga mata
Na sa susunod na umibig ay wala na sanang ibang dala
Walang pasanin at hihilahin lamang ako pababa
Sana'y hindi na maghikahos sa bagong umaga
BINABASA MO ANG
Makata - Tagalog Poetry
PoetryMga tula mula sa pinagmulang-dila, Mga salitang nais ipahayag, katanungang naggugulimahing walang tila hayaang basahin at maglayag chéyuchstn_