Hindi na muli kitang titignan
Sa mga matang labis na mapanlinlang
Ika'y lumuluha at tila nasasaktan
Isa lang pala itong kasinungalinganHindi na muling makikinig
Sa mga salitang laging bigkas-bigkas
Tila mula sa puso ang bawat pantig
Patuloy pa rin naman ang ating wakasHindi na muling hahawakan ang iyong kamay
Na dati'y 'di mabitaw-bitawan
Mga palad na sayo papatangay
Aalisin mo din at tuluyang lilisanHindi na muling maniniwala sayo
Sa mga paligoy-ligoy at mga salita
Dumating ka't naniwalang 'di lalayo
Nagising na ika'y nagpapaalam naHindi na muling iibig
Kaya kong mamuhay ng 'di sa'yo ay sabik
Mahirap ng muling tumitig o makinig
Sa tulad mong hindi na babalik
BINABASA MO ANG
Makata - Tagalog Poetry
PoetryMga tula mula sa pinagmulang-dila, Mga salitang nais ipahayag, katanungang naggugulimahing walang tila hayaang basahin at maglayag chéyuchstn_