Isa na namang taon ang lumipas
Ang 'yong kagandaha'y 'di kumukupas
Lalo lang akong nahuhumaling
Tuwing naririnig ang iyong tinigLagi lamang nag-aantay sa'yo
Makapiling ka't damhin ang tibok ng ating puso
Ngunit nang Ika'y mawalay sa piling ko
Tila ba'y tumigil ang ikot ng mundoIsang taon na naman ang lumipas
Nais ka pa ring mahagkan sa tuwina
Binabagtas ko ang araw-araw na kalsada
Titiisin at mag-aantay hangga't makasama kaMabagal ang takbo ng panahon
Nagdadaan ang maraming maghapon
Iisa lang ang hangarin ko ngayon
Ang bumalik sa mga yakap at makuha ang iyong atensyonIsang taon na naman ang lumipas
Magkakaroon pa ba ako ng magandang bukas?
Kung araw-araw akong pinaghihinaan ng lakas
Magiging maayos pa ba ang aking wakas?Lahat ng tao'y nabubuhay sa wala
Sinasabi nilang mawawalan ako ng dahilan at tiwala
Na magkakasama pa't liligaya't magmamahalan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan, sa aking huling hantunganLumipas na naman ang isang taon
Nais ko nang wakasan ang buhay ko
Sapagkat iniwan mo na ako
Wala ng dahilan upang ako'y magpatuloyIsa na namang taon ng puno ng paghihinagpis at sakit
Isa pang taon upang manatili sa mundong kay pait
Linisan mo ang mundo at iniwan ang malaking sugat sa puso
Isa pang taon at tayo'y magkakasama na't muling magiging buo.
BINABASA MO ANG
Makata - Tagalog Poetry
PoesíaMga tula mula sa pinagmulang-dila, Mga salitang nais ipahayag, katanungang naggugulimahing walang tila hayaang basahin at maglayag chéyuchstn_